^

PSN Showbiz

Kapuso young actor na nagpakasal sa kapwa lalaki, nagsalita na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Dahil sa pagbabati nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, napapag-usapan ang muli nilang pagsasama sa isang project.

Nang tanungin namin si Jennylyn, wala raw problema sa kanya. Wala raw isyu sa kanya kahit sino ang ipa-partner dahil trabaho lang daw iyun.

Okay din daw kay Dennis pero hindi pa raw muna ngayon dahil gusto raw niyang mag-focus sa Biritera na magsisimula na sa February 6 sa GMA primetime.

Halatang hindi pa siya kumportableng makatrabaho si Jennylyn, pero open naman daw siyang makipag-friends uli sa dating kasintahan.

PAK: Magsisimula na pala ang audition ng Binibining Pilipinas. Totoo kayang balak daw sumali ni Megan Young?

Pangarap daw ni Megan ay maging beauty queen at baka ngayong taon na nga itong matupad.

Hindi pa nakakapag-audition si Megan pero pinag-uusapan na tiyak na papanalunin daw ito.

Bukod kay Megan, pinag-uusapan ding sasali raw ang anak ni Jean Saburit na si Nicole Anderson.

BOOM : Nag-tweet si Prince Stefan sa Startalk na walang katotohanan ang kumalat na balitang nagpakasal na ito sa kapwa lalaki sa Amerika.

Nasa NewYork pa raw siya kasama ang kanyang pamilya, at walang katotohanan ang kasal issue.

Iyun lang ang sinagot ni Prince at hindi na ito nagkomento sa intrigang kabadingan.

Kahit ang ilan niyang kaibigan gaya ni Rich Asuncion ay nagulat sa intrigang iyun. Madalas daw silang nagti-tweet sa isa’t isa pero never daw nilang napapag-usapan ang intriga sa aktor.

vuukle comment

BINIBINING PILIPINAS

DAW

DENNIS TRILLO

JEAN SABURIT

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

MEGAN

MEGAN YOUNG

NICOLE ANDERSON

PRINCE STEFAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with