^

PSN Showbiz

Ronald inaming dinalaw ni Lovi sa birthday pero walang linaw ang relasyon

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Nagulat si Sam Pinto sa intrigang pinagsasabong sila ni Ellen Adarna na cover girl ngayon sa January issue ng FHM.

Ayon sa aming source, mas marami ang nagpa-autograph kay Ellen kesa kay Sam na naging cover girl din noon ng naturang men’s magazine.

Sabi naman ni Sam, magkaibigan sila ni Ellen at huwag na sana silang pagtapatin dahil tingin nito walang kumpetisyon sa kanilang dalawa.

Kahit si Ellen ay ayaw ding patulan ang ganung intriga dahil may kanya-kanyang followers naman sila.

Maganda ang bonding nila sa Bubble Gang kaya ayaw nilang maapektuhan ’yun dahil lang sa pag-pose nila sa FHM.

Tampok pala si Sam sa Legacy na magsisimula na sa GMA primetime mamayang gabi.

PAK: Muntik nang nakunan ng The Buzz ang pag-alis nina Vic Sotto at Pauleen Luna sa studio ng Eat Bulaga nung kamakalawa ng hapon.

 Nung Sabado lang bumalik si Pauleen sa Eat Bulaga pagkatapos niyang magpagaling nang naaksidente ito sa bike nung nakaraang New Year.

Sinubukan ng The Buzz na puntahan si Pauleen sa Broadway studio ng Eat Bulaga para interbyuhin ito pero sinabihan ito ng mga fans na nakatambay doon na kaaalis lang ng young actress kasama si Bossing Vic.

Hindi nga nila nakunan ang pag-alis ng dalawa kaya kinulit-kulit kami kung saan nila puwedeng sundan si Pauleen para interbyuhin ito.

BOOM: Mainit na tinanggap ang dating Congressman Ronald Singson ng mga kababayan niya sa Ilocos Sur nang dumating ito galing sa pagkapiit niya ng mahigit isang taon sa Hong Kong.

Maaga pa lang ay matindi na ang paghahanda sa Baluarte sa Vigan na kung saan doon dumiretso si Ronald nang dumating ito ng Maynila.

Nagpaunlak naman si Ronald na magpa-interview sa mga showbiz talk shows pero itinatanggi nitong sila pa rin ni Lovi Poe.

Hindi niya masasabing sila pa rin dahil wala namang malinaw na usapan kung itutuloy pa rin nila ang relasyon pagkatapos nang nakulong ito.   

Totoong dinalaw siya ni Lovi nung nakaraang November nang mag-celebrate ito ng kanyang kaarawan pero hindi naman ibig sabihin sila pa rin.

Wala namang nabago sa trato sa kanya ni Lovi at nagpapasalamat pa nga ito sa Mommy ng aktres dahil nagbibigay pa ito ng payo sa kanya nung bago siya ikinulong.

vuukle comment

BOSSING VIC

BUBBLE GANG

CONGRESSMAN RONALD SINGSON

EAT BULAGA

ELLEN ADARNA

HONG KONG

ILOCOS SUR

LOVI

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with