^

PSN Showbiz

Bianca positive ang effect sa buhay ni Dennis

- Veronica R. Samio -

Maganda rin ang hatid ng bagong taon kay Dennis Trillo. Matapos ang napaka-kontrobersiyal na pag­hihiwalay nila ni Jennynyn Mercado, nagdesis­yon itong wakasan na ang kanilang pag-aaway. Bi­na­ti niya ito nang magkita sila sa set ng Party Pilipinas.

Hindi na nga nakapagtataka kung tuluyan nang wakasan ng dalawa ang kanilang away. Parehong maganda ang kanilang mga career at maging ang love life nila ay mabunga at masaya.

Nauna nang magkaroon ng magandang relas­yon si Jennylyn kay Luis Manzano. Maging ang ina nitong gobernadora ay boto sa kanilang relasyon.

Samantala, inaasahan din na mauuwi sa ma­gan­­dang pagtitinginan ang magandang relasyon nga­­­yon nina Dennis at Bianca King. Maganda ang naging impluwensiya ni Bianca sa aktor kung kaya nagpasya itong simulan ang 2012 with a clean slate.

Glaiza binabalikan ni Felix

Hindi pa man natatapos ang Amaya ay panay na ang ginagawang paghahanda ni Glaiza de Castro para sa kanyang susunod na seryeng Biritera.

Isang drummer ng banda ang kanyang role kaya panay na ang praktis niya sa drums. Hindi naman siya gaanong hirap dahil bago siya nakilala bilang artista ay mayroon siyang banda. Hindi nga lamang siya drummer dito kundi bokalista pa pero kahit paano ay nakakahataw na siya ng drums nun pa.

Samantala, balitang binabalikan siya ng sinasa­bing dating karelasyon niya na si Felix Roco. Bagaman at hindi itinatanggi ng aktres ang balita, sinabi niyang ang nabubuhay ay ang dating pagkakaibigan nila. Ngayon lamang sila nagkita after a long time pero hindi niya prayoridad ang kanyang love life nga­yon.

Kasama rin sa Biritera sina Angelica dela Cruz, Dennis Trillo, at isang baguhang singer na tumugon sa audition na isinagawa ng GMA para gumanap ng role ng Biritera.

Olive C title pinag-aagawan

Sa Jan. 28 ay magaganap na naman ang pag­hi­rang ng mga bagong Olive C endorser/image model.

Ikalawang taon na ito nang paghahanap ng Cre­Works Asia  (organizer ng kontes) ng mga natatanging kabataang babae at lalaki para maging kandidato sa taunang search for Mr. & Miss Olive C Campus Model Search. Ginalugad nila ang buong Luzon, Visayas, at Mindanao para makahanap ng mga mag-aaral na magsisilbing ehemplo sa mara­ming kaedad nila at image model din ng Olive C, isang sabon para sa mga kabataan.

Hindi pagyayabang na sabihing napakarami ang tu­mugon sa paghahanap ng mga organizers ng mga kandidato. Hindi lamang ang cash money na P25,000 ang nagsilbing atraksiyon sa kanila kundi ang pagkakataong mabigyan ng popularidad bilang  Mr. & Miss Olive C at ang P100,000 modeling contract na kasama. Maganda rin ang naging resulta ng 1st Mr. & Miss Olive C na kung saan ang unang parehang nanalo ay agad nahanap ang stardom.

Ang Mr. Olive C na si Hiro Magalona ay isang nang artista. Bukod sa pagiging co-host ni German Moreno sa Walang Tulugan ay mayroon itong da­lawang regular na programa sa telebisyon.

 Ang Miss Olive C naman na si Muriel Orais ay sumali sa international beauty pageant na Miss Earth World at nanalong Miss Earth-Water.

 Matatandaang ang 1st Miss Olive C ay nagbuhat sa Cebu. At kaya hindi nito nagampanan ang kanyang pagiging host sa press presentation ay dahil nasa Cebu pa ito para sa Sinulog Festival. Pero dalawa sila ni John Nite na magsisilbing host sa grand finals na magaganap sa Jan. 28 sa Ynarez Sports Complex.

Ang mga mananalo sa Mr. & Miss Olive C ay magiging opisyal na kinatawan ng bansa sa 2012 Mr. & Miss Tourism Universe na magaganap sa bansang Guatemala sa buwan ng Oktubre.

Nakulong na aktor, isa nang pastor ngayon

Nakatutuwang malaman na isa nang man of God ang dating aktor na si Dennis Roldan. Natagpuan ni Dennis ang Panginoon sa loob ng kulungan. Isang pastor na regular na pumupunta ng kulungan para magbigay ng Bible lessons ang nakaimpluwensya sa kanya.

Sila ni Pastor Jeric Soriano ang nagbigay ng seven-day retreat sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

vuukle comment

BIRITERA

DENNIS TRILLO

MISS

MISS OLIVE C

OLIVE

OLIVE C

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with