^

PSN Showbiz

Ilang kalsada sa Manila ipasasara para sa shooting ng Bourne Legacy

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sina Edward Norton at Rachel Weizz ang dalawa sa Hollywood stars na darating sa Manila ngayong January 2012 para mag-shooting ng Bourne Legacy. Hindi namin nakuha ang director ng latest Bourne movie.

Nabasa naming ipasasara ang ilang streets sa Manila para sa shooting, pero siguradong may makakapanood pa rin. Chance nang makita ng personal sina Edward Norton at Rachel Weizz, sasayangin pa ba ng mga Pinoy?

Sayang at hindi na si Matt Damon ang gaganap sa role ni Jason Bourne, it would be nice to see him in person dahil binabasa namin ang series ng Bourne books ni Robert Ludlum.

OPM may sariling ‘iTUNES’ na

Hindi tumitigil ang OPM sa liderato ni Ogie Alcasid sa pag-iisip ng mga paraan par a matulungan ang OPM members na masyadong naapektuhan dahil sa piracy sa paglamlam ng music industry at pagkamatay ng CD market.

Ngayong January 2012, ilu-launch ang website ng OPM, parang iTunes ito at makabibili ng song sa pamamagitan nang pagda-download. For more details, log on to www.opm2go.com. All OPM ang songs dito at deretso sa singer ang kikitain at walang royalty. Itinalaga ni Ogie si Jet Pangan bilang in-charge sa independent label at umaasa siyang mag-e-encourage ito ng new musicians.

Ogie is turning 45 years old next year at busy agad sa first quarter pa lang ng 2012. After Daldalita, dalawang pelikula ang gagawin niya at isa rito’y ang musical movie ng Unitel based sa music ng APO with Eugene Domingo sa direction ni Chris Martinez.

Tatapusin lang ni Ogie ang Valentine concert nila ni Regine Velasquez na Mr. & Mrs. A sa Smart Araneta Coliseum at sisimulan na nila ni Michael V ang Bakit? Boy Pick-Up na co-production ng Regal Entertainment at GMA Films to be directed by Dominic Zapata.

NAdine nagbebenta ng condo unit

Nabasa namin ang tweet ni Nadine Samonte na ibenebenta niya ang condo unit sa Ortigas na early first quarter next year daw ang turnover. Kulang ang detalye dahil hindi binanggit ng aktres ang laki ng unit at kung magkano niya ibenebenta.

Kundi hindi kami nagkakamali, ang ibenebentang condo unit ay isa sa two units na binili at isa sa mga rason kung bakit ginustong lumipat sa TV5 dahil part ng talent fee niya ay ibinayad sa two condo units.

Samantala, panay na pala ang promote ni Nadine ng Valiente, ang bago niyang soap sa TV5 na may February 2012 airing. 

At isa pala si Nadine sa tinext ni Tyron Perez na mag-reunion silang galing ng batch 1 ng Starstruck, pero hindi nagawa dahil sa trabaho. Si Nadine rin ang ka-love team ni Tyron sa Starstruck, kaya naging close sila.

Actor iba’t ibang babae ang kasama

Mabuti na lang at single ang actor na ito, kaya walang masasaktan sa pagiging chickboy nito.

Naloloka ang mga kaibigan nitong nakakakita sa kanya dahil iba’t ibang babae ang ka-date at sa harap ng maraming tao, sweet-sweetan ang dalawa.

Ang bilis naka-recover at naka-move on ng actor sa break-up ng last relationship nito sa isang magandang aktres. As in, two days lang yata after their break-up, active na sa dating game ang actor.

Boto pa naman ang mother ng actress sa actor at nalungkot daw ito nang malamang break na ang anak at actor.

vuukle comment

BOURNE LEGACY

BOY PICK-UP

CHRIS MARTINEZ

DOMINIC ZAPATA

EDWARD NORTON

EUGENE DOMINGO

JASON BOURNE

JET PANGAN

OGIE

RACHEL WEIZZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with