^

PSN Showbiz

Dennis nakipagbati na kay Jennylyn

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Nagkabati pala sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa taping ng Party Pilipinas kamakailan lang.

Nagkasabay sila sa ope­ning number nito at nag-good morning si Dennis kay Jennylyn na sinagot naman ng huli.

Okay na’ yun para positive na sa pagpasok ng taong 2012. Pareho naman silang masaya kahit walang inaaming love life si Dennis. Masaya naman si Jennylyn sa nakikitang relasyon nila ni Luis Manzano.

Ang alam namin mag­­kasama sina Jennylyn at Luis ngayong Bagong Taon.

PAK: Nakikita nang lu­malabas sina Jolo Re­villa at Kris Bernal. Ang gusto lang naman ni Jolo ay ma-establish muna ang friendship nila dahil alam niyang hindi pa handa si Kris sa panibagong relasyon.

Hindi naman siya nag­mamadali at nakahanda naman siyang maghintay.

Natutuwa naman si Kris sa pagiging sweet ni Jolo at napaka-thoughtful pa.

BOOM: Nagkasama-sama ang mga miyembro ng StarStruck 1 sa unang gabi ng burol ni Tyron Perez sa Loyo­la Memorial sa Sucat, Parañaque.

Wala lang doon si­na Jennylyn, Cristine Re­yes, at Katrina Halili dahil out of town sila.

Pero balak nilang mag­­ka­kasama-sama uli dahil sinabi noon ni Tyron na sana mag-reunion sila bago matapos ang taon.

Matutuloy nga ang re­union nila na hinihingi ni Tyron pero nasa burol naman nito.

Hanggang Jan. 1 lang ang burol ng young actor dito sa Maynila dahil dadalhin na ito sa Tarlac kinabukasan. Doon ililibing ang aktor.

BAGONG TAON

CRISTINE RE

DENNIS TRILLO

HANGGANG JAN

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JOLO

JOLO RE

NAMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with