^

PSN Showbiz

Tyron nalulong sa sugal kaya nagpakamatay

- SEEN SCENE -

SEEN: Umaapela ang pamilya ni Ramgen Revil­la na itigil ang uploading sa Internet ng sex video ng aktor at ng girlfriend na si Janelle Manahan bilang respeto sa kanyang alaala.

SCENE: Ang pagkakalulong sa sugal ang isa sa mga sinasabing ugat ng pag­papakamatay ni Tyron Perez.

Ngayon ang hu­ling araw ng burol ng young actor sa Loyola Memorial Park, Parañaque City dahil da­­dalhin na bukas ang kanyang mga labi sa bayan nila sa Tarlac.

SEEN: Ang pag-amin ni Liv Espino na magkausap sila ni Tyron sa cell phone nang wakasan ng aktor ang buhay. Si Liv ang asawa ni Tyron at narinig niya nang paputukin ng aktor ang hawak na baril

SCENE: Umaasa ang direktor na si Tikoy Agui­luz na ipagkakatiwala pa rin sa kanya ng producer ng Scenema Concept, International ang direksiyon ng El Presidente, ang bio flick ni Gen. Emilio Aguinaldo na tinatampukan nina Jeorge Estregan at Nora Aunor.

Ang Scenema Concept ang producer ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

SEEN: Plano ng Metro Manila Film Festival (MMFF) executive committee na magkaroon ng early launch sa February ang 38th MMFF upang matiyak ang tagumpay nito sa December 2012.

SCENE: Umaasa ang MMFF execom na hindi tototohanin Mother Lily Monteverde ang pahayag na hindi na sasali sa MMFF 2012 dahil sa disqualification ng Yesterday Today Tomorrow ng Regal Entertaiment, Inc. sa piling kategorya ng MMFF Awards Night.

SEEN: May mga moment na nagiging normal na tao ang akting ni Gerald Anderson sa Budoy.

SCENE:  Nakakasawa at acting na acting sina Celeste Legaspi at Gloria Diaz sa mga confrontation scenes nila sa Glamorosa.

vuukle comment

ANG SCENEMA CONCEPT

ASIONG SALONGA STORY

AWARDS NIGHT

CELESTE LEGASPI

EL PRESIDENTE

EMILIO AGUINALDO

GERALD ANDERSON

GLORIA DIAZ

JANELLE MANAHAN

JEORGE ESTREGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with