^

PSN Showbiz

Goma tuhog sa dalawang network

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Kahit may bagong soap opera si Richard Gomez sa ABS-CBN ay nasa TV5 pa rin ito. Kapatid na Kapamilya pa, sabi nga niya. Siya ang host sa isang malaking proyekto, ang The Biggest Game Show in the World-Asia, at nakapag-taping na ito sa Malaysia.

Regular pa rin ang aktor sa Talentadong Pinoy bilang member ng talent scout.

Magiging abala ang aktor sa Walang Hanggan na ang tema ay nahahawig sa Hihintayin Kita sa Langit. Excited na makatambal uli ni Richard si Dawn Zulueta.

IGAN magpapasaya ng mga BATA

Naging matagumpay ang 10 taon ng IGAN Cup Invitational Golf Tournament sa Intramuros, Manila noong Nov. 10 na dinaluhan ng mga sikat na celebrities.

Gustong pasayahin ni Igan (Arnold Clavio) ang mga batang mahihirap ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagdaraos ng Christmas party. May misyon din ang foundation para sa mga batang bingot at may blood-letting program.

Idinagdag pa rin ni Igan na may anim silang dayabetiko sa ilalim ng programang Adopt a Child With Diabetes Igan Foundation sa pakikipagtulungan sa Philippine General Hospital (diabetes section).

HORROR MOVIE tuloy ang pananakot sa ika-apat na linggo

Palabas pa rin ang Paranormal Activity 3 na nasa ika-apat na linggo na mula sa Solar-UIP. Nagustuhan ito ng mga manonood na mahilig sa mga pelikulang katatakutan.

Kahit ang mga pamangkin kong bagets ay natakot sa bidang magkapatid na sina Katie at Kristi ay ’di pinatatahimik ng mga masamang espiritu sa kanilang tahanan. Ito ay sa direksiyon nina Henry Joost at Ariel Schulman.

vuukle comment

ARIEL SCHULMAN

ARNOLD CLAVIO

BIGGEST GAME SHOW

CHILD WITH DIABETES IGAN FOUNDATION

CUP INVITATIONAL GOLF TOURNAMENT

DAWN ZULUETA

HENRY JOOST

HIHINTAYIN KITA

IGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with