^

PSN Showbiz

Regine nanganak na!

- SEEN SCENE -

Seen : Eksaktong 7:47 pm nang isilang ni Regine Velasquez sa Makati Medical Center via caesarean section noong November 8 si Nathaniel James, ang panganay nila ni Ogie Alcasid.

Scene : In character si Alice Dixson sa presscon ng Glamorosa pero hindi niya ‘yun napanindigan sa kanyang mga eksena. Kulang ang acting ni Alice bilang kontrabida ni Lorna Tolentino.

Seen : Pinabulaanan ni Annabelle Rama sa kanyang sworn counter affidavit ang lahat ng mga akusasyon sa kanya ni Nadia Montenegro. Child abuse at libel ang mga kaso na isinampa ni Nadia laban kay Annabelle na manager ng kanyang mga anak.

Scene : Nagpakontrobersiyal na naman si Ma. Isabel Lopez sa presscon ng Survivor Philippines : Celebrity Doubles Showdown nang sabihin niya na may mga “nag-sex” sa isla. Ugali ni Isabel na magpakontrobersiyal ngunit hindi niya napaninindigan ang kanyang mga sinasabi.

Seen : Drama Queen ang bansag kay Geneva Cruz sa Survivor Philippines. May acting ang bawat kilos at pananalita ni Geneva.

Scene : Pansamantalang nanahimik si Genelyn Magsaysay nang mabunyag ang kanyang malaking pagkakautang sa credit cards.

Seen : Namantal at nangati ang katawan ni Marian Rivera sa taping ng Amaya noong Lunes dahil kinagat siya ng higad.

Scene : Kahapon ang huling araw ng taping ng Time of My Life ng GMA 7. Bukas ang huling gabi ng Time of My Life.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANNABELLE RAMA

CELEBRITY DOUBLES SHOWDOWN

DRAMA QUEEN

GENELYN MAGSAYSAY

GENEVA CRUZ

ISABEL LOPEZ

LORNA TOLENTINO

SURVIVOR PHILIPPINES

TIME OF MY LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with