^

PSN Showbiz

Pinay sa Miss International umabot lang sa top 15

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Maagang nalaman ng mara­ming may connection sa Internet na nanalong First Princess si Gwendoline Ruais sa ginanap na coronation night ng Miss World 2011 sa London.

Pero sa mga walang access, halos hapon na nilang nalaman ang resulta dahil super delayed ang telecast sa GMA 7 kahapon.

Maganda naman si Gwendoline at matangkad.  Pero hindi masyadong kagandahan ang suot niyang red gown.

But we cannot argue with success, kahit pa pinintas-pintasan siya, nagtagumpay pa rin siya.

Dating talunan sa Binibining Pilipinas si Gwendoline at runner-up lang siya sa Miss Earth.

Pero destiny na ang nagsabi, nanalo siyang First Princess ngayon sa Miss World.

Anyway, hindi masyadong exciting ang presentation ng ika-60th Miss World. Parang mas exciting at prestigious pa rin talaga ang Miss Universe.

Habang nagsasaya pa ang mga taga-Miss World (Philippines) sa pagkapanalo ni Gwendoline, hindi naman masyadong pinag-usapan si Dianne Necio na umabot lang sa Top 15 sa ginanap na coronation ng Miss International 2011 na ginanap sa Chengdu, China last Sunday night. Si Miss Ecuador ang kinoronahang 2011 Miss International. First runner-up si Miss Venezuela na ang representative naman ng nasabing bansa ang nag-uwi ng Miss World title.

Pero hindi naman siya totally na-zero dahil si Dianne ang nanalo ng People’s Choice Award ng nasabing beauty pageant.

Nakakuha siya ng more than 350,000 online votes.

Dahil dun, automatic ang naging pagpasok niya sa semi-finals.

At least, maganda-gandang balita na ang naririnig natin. Hindi na patayan.

Last week, talagang depressing ang mga kuwento. Bad news lahat.

Ang hindi na lang magandang balita ngayon ay ang nangyayari sa pamil­ya Revilla lalo na sa nanay ng pinatay na si Ram Revilla na sangkot ang dalawa pa niyang anak na sina RJ at Ramona.

Nasaan na nga ba si Ramona?

Sarah conscious tuwing titingnan ni Gerald

Ibang story pala sa Catch Me…I’m In Love ang bagong pelikula nina Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz.

Yup, hindi pala sequel ang Won’t Last a Day Without You ng unang pelikulang pinagsamahan nila.

Pero sa trailer pa lang, parang sobrang nakakikilig na ang pelikula na showing na sa Nov. 23.

By the way, sinabi nga pala ni Sarah sa interview niya sa The Buzz na sobrang conscious siya tuwing titingnan siya ni Gerald.

Sayang at wala si Gerald during the interview at baka lalong hindi na siya makapagsalita at humagikhik na lang siya nang humagikhik.

Actually, bagay na si Sarah kay Gerald. Kailangan na rin ni Sarah na magka-dyowa, pronto!

Pelikula sana nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin ang ipalalabas this November pero naurong ito dahil hindi pa sila tapos ng shooting.

Si John Lloyd yata ang dahilan ’di ba, may nagsabi?

Kung sabagay, nagulo ang mundo ni John Lloyd nang maging sila ni Shaina Magdayao. Possessive kasi ang girlet na ’to. Imbes na sila-sila lang ang nakakaalam ng pagiging lasenggo ng BF niya, ayun sa inis ni Ruffa Gutierrez sa pinaggagawa niya, nabunyag na lahat. Na-confirm ang mga balitang dati ay tsismis lang. ’Kaloka!

Anyway, excited na nga ang buong sambayanan dahil natupad na ang matagal na nilang hinihintay! Heto na ang ikalawang tambalan nina Sarah at Gerald. Early Christmas gift ito ng Star Cine­ma at Viva Films sa ’di mabilang na mga fans ng Sarah-Gerald love team.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BINIBINING PILIPINAS

FIRST PRINCESS

GWENDOLINE

MISS

MISS INTERNATIONAL

MISS WORLD

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with