^

PSN Showbiz

Dating bold star naka-jackpot sa napangasawang foreigner!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Naka-jackpot pala sa napangasawang foreigner ang dating bold star.

Mukhang mayaman ang naging mister niya. Sa abroad sila nakatira ngayon at sunod sa asawa ang luho ni dating bold star.

Sinuwerte ang bold star dahil hindi siguro nadiskubre nang napangasawa niya na pinagsawaan na ito ng isang dating negosyante. Yup, alam na alam sa showbiz ang naging relasyon niya sa isang negosyanteng may edad na. Ang nasabing negosyante ang nagbitiw noon ng pera sa dating bold star para makilala. Dinamitan at inayusan siya ng ex na may asawa.

Pero biglang naglaho si bold star.

At ngayon may nakakita sa kanya sa abroad na buhay donya na. Mamahalin ang kotse at branded ang mga gamit.

Ramona umaming nagsinungaling!

Naka-scoop ang ANC kahapon nang makausap nila sa telepono si Ramona Bautista, ang na­kababatang kapatid ng pinatay na si Ram Revilla at isinasangkot sa nasabing pagpatay kasama ang kapatid na si Ramon Joseph.

Kaya lang paputul-putol ang interview dahil sa linya ng telepono.

Anyway, nasabi ni Ramona na hindi siya totoong inabduct ng killer katulad nang sinabi niya sa mga pulis noong una dahil nahihiya raw siyang magsabi. Iniwan niya raw kasi ang kapatid na pinagbabaril at pinagsasaksak ng killer at wala siyang nagawa dahil nag-panic na siya at nawala na sa sarili.

At pinagdiinan niyang wala siyang kinalaman sa nangyaring krimen. Ang kapatid daw niya ang nagligtas sa kanya kaya hindi siya sinaktan ng nag-iisang killer.

Pero totoong nasa room daw siya nila Ramgen nang pumasok ang killer. Nakita rin niya si Jannelle Manahan, ang girlfriend ni Ramgen na unang binaril. “Bigla na lang niyang binaril si Jannelle. Hindi ko nga po alam na binaril niya si Jannelle. Hindi ko alam yung putok na malakas na hangin. Si Ramgen nagsasabi ng ‘Sino ka, sino ka?’ Tapos linabanan siya ni Ramgen. Narinig ko si Ramgen nagsabi ‘Aray!’ tapos bumalik siya sa kuwarto. Pinilit niya ng buong lakas na isara yung pinto. Naipit pa nga ‘yung kamay ng lalaki na naka-mask,” kuwento niya sa anchor ng ANC na si Gigi Grande kahapon ng tanghali.

Ang mismong girlfriend ni Ramgen na nakaligtas ay nagsabi na umano’y hindi naman siya tinulungan ni Ramona sa kabila ng panghihingi niya ng saklolo rito.

Iba naman ang sagot ni Ramona tungkol dito. Nagsisigaw daw siya pero natakot siya at walang dumating na tutulong kaya naisip na lang niyang umalis para mailigtas ang sarili.

Kinasuhan na si Ramona pero wala pa siyang warrant of arrest kaya hindi pa siya lumalabas ayon sa mga balita.

At sa pagsasalita niya siguradong may iba na namang lalabas na development tungkol sa mala-teleseryeng kuwento ng pagpatay sa anak ni ex senator Ramon Revilla Sr. sa dating actress na si Genelyn Magsaysay.

Grabe ito. Hindi man itong direktang showbiz, pero dahil Revilla sila, lahat yata ng tao ay nagkaka-interes na malaman ang ending ng kuwentong ito.

Habang tumatagal parang pelikula ang nagiging kuwento nito.

vuukle comment

GENELYN MAGSAYSAY

GIGI GRANDE

JANNELLE

JANNELLE MANAHAN

NAKA

NIYA

RAMGEN

RAMONA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with