^

PSN Showbiz

Edgar Allan sinungaling, hindi marunong magpasalamat

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Binago na ba ng kasikatan si Edgar Allan Guzman? Nalungkot kami sa nalamang one month silang hindi nag-uusap ng manager niyang si Noel Ferrer dahil nagsinungaling ito. Sinabing matutulog na siya after his rehearsal, pero nahuli ng press na nanonood ng sine sa Eastwood. Sinabing uuwi siya sa nanay niya, na hindi rin totoo. Naisip tuloy namin na baka nagli-live-in na uli sila ng GF na si Jolan na ex-Sexbomb dancer.

Ang feeling daw ni Edgar at ng GF, pinaghihiwalay sila nina Noel at mother ni Edgar at galit pa si Edgar dahil hindi raw siya ipinagtatanggol ng manager sa mga tira sa kanya. Ang nakalulungkot pa, never nag-thank you si Edgar sa mga tulong ni Noel at projects na nakuha nito para sa kanya.

Ang latest ay Bench endorsement, movie sa Star Cinema at bida sa pilot episode ng Regal Shocker. Nagkita’t nagkausap ng pahapyaw ang dalawa sa Star Awards for Music last Sa­t­­ur­day, kung saan nanalong Best Group Recording Artists ang Sakto na kinabibilangan ni Edgar at nag-thank you finally si Edgar, pero hindi pa tapos ang kanilang pag-uusap.

Sana maayos ang anumang hidwaan sa dalawa.

Aktres na nambulabog, magre-renew ng kontrata sa kanyang network

Walang dapat ikabahala ang network na nag-build-up sa isang maganda at magaling na aktres dahil magre-renew pa rin ito ng kontrata sa kanila once her contract expires before the year ends.

Medyo nabulagbog ang management sa mga naglabasan na baka hindi na mag-renew ng kontrata ang aktres sa kanila dahil may tampo tungkol sa project na ibinibigay sa kanya. Ang tsika pa, ililipat ang aktres ng kanyang manager sa ibang network at may naghihintay ng projects sa kanya roon.

Nakausap namin ang kampo ng aktres at sinabing mana­natili sa network ang aktres, pero pinag-uusapan ang bagong kontrata. Isang drama anthology ang inihahanda ng network para sa aktres, in time sa 10th anniversary nito sa showbiz.

Castaway natuklaw ng ahas sa Survivor 4

Totoong natuklaw ng ahas ang isa sa castaway ng Season 4 ng Survivor Philippines, pero hindi naging dahilan ‘yun para mag-quit siya dahil after gamutin, bumalik agad sa location kung saan ginagawa ang shoot ng reality show. Nalungkot lang ang castaway na produkto ng Starstruck sa nalamang namatay ang favorite pet dog niya noong time na kinagat siya ng ahas.

O, di ba, sinakripisyo ng kaawa-awang Chihuahua ang buhay niya para sa kanyang amo.

Regine aliw kay Jillian

Aliw kaagad ang pilot episode ng Daldalita  at bagay ang cast sa kani-kanyang role, sayang at one day lang ang karakter ni Donna Cruz na kaya pang umarte. ‘Katuwa ang bangayan nina Ogie Alcasid at Manilyn Reynes dahil kay Baby Lolita at hinihintay na ang paglabas ni Jillian Willard.

Pati si Regine Velasquez, naaliw kay Jillian, bi­nigyan nila ni Ogie ng dolls ang bagets na ipina­ngalan sa kanila. Dala-dala ito ngayon ni Jillian pati sa taping.

vuukle comment

AKTRES

BABY LOLITA

BEST GROUP RECORDING ARTISTS

DONNA CRUZ

EDGAR

EDGAR ALLAN GUZMAN

JILLIAN

JILLIAN WILLARD

MANILYN REYNES

NALUNGKOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with