^

PSN Showbiz

P-Noy separada ang ipinalit kay Shalani

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Isang separada pala ang mina-match ngayon kay Pangulong Noynoy Aquino.

Yup, separada raw at ito ang malamang na makatuluyan ng binatang pa­ngulo.

Actually, kung totoo ang bulong na ito aba’y bagay sila. Galing din sa iginagalang na pamilya at kilala sa lipunan si Ms. Separada. Maganda rin siya at mukhang hindi nagkaasawa kaya bagay sila.

Ikakasal na naman ang ex GF niyang si Shalani Soledad kay Cong. Roman Romulo kaya siguro tama rin na magka-asawa na ang pangulo.

Sikat na tao, hinahabol hindi nagbabayad ng tax sa amerika?

May financial problem pala ang isang sikat na personalidad.

Ayon sa isang dokumentong kumakalat ngayon sa internet, hindi nakakabayad ng tax sa Amerika ang nasabing sikat na tao at meron na raw itong deadline na kailangan siyang magbayad or else kakasuhan siya ng gobyerno ng Amerika.

May accounting firm din daw na naghahabol sa nasabing sikat na tao dahil hindi na rin nga ito nakabayad sa serbisyo nila.

Ay hala. Saan ba napupunta ang kanilang money kung totoo ito?

Ipinagbubuntis ni regine super healthy

Thirty weeks na ang ipinagbubuntis ni Regine Velasquez, si Baby Na­thaniel kaya sobrang excited na si Ogie Alcasid. At ise-share niya ‘yun sa audience sa showbiz anniversary show ni Jun Lalin sa Zirkoh ngayong gabi (Sat Oct. 1) 10:00 p.m. Very healthy ang baby na ipinagbubuntis ni Regine. “Kapu-puri rin si Ogie dahil kahit sa Taal ang taping niya kahapon ng Daldakina, ipinag­laban talaga niya sa production staff na committed siya sa show ko,” sabi ng kaibigang si Jun.

Kasama pa sa mga performers sina Solenn Heussaff na umuwi talaga ng Pilipinas para sa nasabing show, Carla Humphries, Faith Cuneta, Selina Sevilla, Darius Razon at ang batang singer na si Jayson Lacson na si Jun ang nakadiskubre at marami pang surprise stars. Darating din daw Ate Gay.

Kaya go na mga kafatid.

vuukle comment

AMERIKA

ATE GAY

BABY NA

CARLA HUMPHRIES

DARIUS RAZON

FAITH CUNETA

JAYSON LACSON

JUN LALIN

MS. SEPARADA

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with