^

PSN Showbiz

Young actor nagbantang magpapakamatay pag hiniwalayan ng GF na hindi naman kagandahan

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Mamamatay ang pakiramdam ng isang aktor nang sabihin sa kanya ng girlfriend na mag-break na sila.

Yes sobra-sobra raw ang pagmamahal ng young actor sa current GF nito na hindi naman kagandahan. Hindi hamak daw na mas magaganda ang mga dating karelasyon nito pero ngayon lang daw ito na-in love ng todo.

Ngayon ay imbyerna ang mga taong tumutulong sa career ng actor dahil nga sa sobrang pagmamahal nito sa GF na anak ng isang dating aktres na ‘pakialamera.’

Maraming bagets mas gusto nang mag-artista kesa mag-aral!

Sa rami ng mga talent search ngayon, nagrereklamo na ang ilang ka­kilala ko sa probinsiya, Bicol particularly. Pag-aartista na lang daw kasi ang pangarap ng karamihan ng mga bata sa kanilang lugar at halos ayaw nang mag-aral.

Actually, either mag-aartista or sasali sa talent search o contestant sa mga game shows ang naririnig niya raw ambisyon ng mga bata sa kanilang bayan. Ang orientation na raw ng mga kababayan niya, mas ma­daling magkapera sa ganitong paraan kesa mag-aral o kaya ay mag­saka sa kanilang probinsiya.

May punto naman dahil umaapaw ang mga talent search at game shows ngayon. Kung dati, ang ABS-CBN at GMA 7 lang ang may may ga­nitong programa, nadagdagan nang pumasok ang TV5.

Kaya nga sad sila. Sana raw magkaroon din ng programa na mag-e-encourage sa mga bata na mag-aral o maghanap buhay at pagbabanat ng buto. Hindi lang daw dapat puro pagbibigay ng pag-asa sa mga kabataan na mag-showbiz o makita sa TV para magkapera.

vuukle comment

ARAL

BICOL

KAYA

MAG

MAMAMATAY

MARAMING

NGAYON

PAG

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with