^

PSN Showbiz

Aktres binantaang babarilin ang kapwa beteranang aktres

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Tahimik lang at pala-kaibigan ang beteranang aktres na aktibo pa rin sa pelikula at telebisyon nga­yon. Tawagin natin siyang Aktres A. Ang kasamahan nitong aktres na si B ay laging kontrabida ang karakter na ginagampanan.

One time ay nagkasama sa kainan ang dalawang beteranang aktres.

Matagal nang biyuda si Aktres A at malaki na ang nag-iisang anak at may pamilya na rin.

Tanong ni Aktres B sa kanya, “Bakit hindi ka mag-asawang muli para may makasama ka sa buhay?”

“Kuntento na ako sa buhay ko kahit nag-iisa lang. Tutal nariyan naman ang anak ko at mga apo,” sagot ni A.

“Masarap ang may asawa. Mag-asawa ka na uli,” pangungulit ni B na nasundan pa ng ibang tanong.

Hindi talaga tinantanan ni Aktres B at naiimbi­yerna na si A sa kanyang pangungulilit.

“Kapag hindi ka tumigil sa kaka-alaska sa akin baka pasabugin kita! Babarilin kita!” galit na buwelta ni Aktres A na ikinagulat ni B.

Nakahalata naman siya na galit na ang kausap kaya hindi na ito umulit.

Hanggang ngayon ay hindi pa ito kinakausap ni Aktres A. Napikon talaga sa mga pag-uusisa at pangu­ngulit ni Aktres B tungkol sa pag-aasawa.

Marvin naram­daman ang pinagdaanan sa cancer ni Direk Marilou

Inamin ni Marvin Agustin na naging mentor niya si Direk Marilou Diaz-Aba­ya habang ginagawa ang pelikulang Ikaw ang Pag-ibig. Gumaganap na isang pari si Marvin na may cancer.

“Malaking tulong si Direk dahil itinuro niya ang mga dapat gawin bilang cancer victim dahil napagdaanan niya iyon. May eksenang nilalagnat ako at nanginginig. Ipinaramdam ni Direk ang ganda ng script at naiintindihan ko ang emosyon na dapat pairalin sa eksena,” paglalarawan ng aktor.

Ang Ikaw ang Pag-ibig ay Grade A ng Cinema Evaluation Board at palabas na ito sa Sept. 14.

vuukle comment

AKTRES

AKTRES A

AKTRES B

ANG IKAW

CINEMA EVALUATION BOARD

DIREK

DIREK MARILOU

DIREK MARILOU DIAZ-ABA

GRADE A

MARVIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with