^

PSN Showbiz

Mga anak ni Nora nakababad sa taping

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ako mismo ay natutuwa kapag nakikita kong masayang nagkakasama-sama sa shooting/taping ni Nora Aunor hindi lamang silang mag-iina kundi kapag kasama rin nila si Christopher de Leon. Yes, sa kabila ng naging paghihiwalay nina Guy at Boyet, nananatili naman silang in good terms, nag-uusap kung kinakailangan at nagtatrabaho kung ganitong may offer na mapagsama silang dalawa.

Ilang ulit nang nakita sa set ang magkakapatid na Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon. Kitang-kita ng lahat kung paano sila nagmamahalan dahil hindi mata­pus-tapos ang kuwentuhan nila. Kung hindi lang marahil abala sa kanyang maraming trabaho si Lotlot, baka andun din siya.

Tipong sinusulit ng magkakapatid ang panahon na wala sa piling nila ang ina. Hindi naman sila naka­kaistorbo sa trabaho nito, katunayan parang nabibig­yan pa nila ng inspirasyon ang kanilang ina sa pagta­trabaho. Hindi naman si­la papansin. Mapapansin nga lamang dahil masaya sila in their own quiet way.

Mabuti naman at mismong kay Cong. Roman Romulo na nanggaling na binata siya. Kundi pu­pu­­taktihin ng puna ang sinasabing ka-MU niya na si Kon. Shalani Soledad na hindi matapus-tapos ang pagkakakabit ng pangalan kay P-Noy ganung napakatagal nang natapos ang relasyon nila.

About time na siguro na makakita ng bagong pag-ibig ang magandang konsehala.

Direk Marilou nakakabilib

Humahanga ako kay Direk Marilou Diaz-Abaya dahil sa kabila ng kanyang karamdaman ay nagagawa pa niyang ipagpatuloy ang kanyang passion sa pagdididirek. Kasabay ng trabaho niya ay ang kagustuhang maiangat ang industriya ng pelikula.

 Mabuhay ka Direk! At magpatuloy sana ang paggaling mo dahil marami ka pang maiaambag sa industriya. Marami ka pa ring matuturuan para maging mahusay na manggagawa sa industriya, direktor, writer, at artista.

vuukle comment

BOYET

DIREK

DIREK MARILOU

HUMAHANGA

IAN

MARILOU DIAZ-ABAYA

NORA AUNOR

SHALANI SOLEDAD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with