^

PSN Showbiz

Vice Ganda willing gastusan si Derek

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Inamin ni Vice Ganda na kahit anong busy niya sa kanyang trabaho ay may time pa rin siya sa panlalalaki.

“May pera na akong pambayad sa mga lalaki at kung magpapabayad si Derek (Ramsay) ay siya talaga ang gusto ko,” sabi ng gay comedian.

Magkasama sina Vice at ang aktor sa Private Benjamin under Viva Films kung saan magkakaroon sila ng love scenes at baka pa isang shower scene. 

Gary V. ’di na kinikilatis ang nakakarelasyon ng mga anak

Handa nang maging lolo si Gary Valenciano dahil ang panganay nitong si Paolo ay puwede nang mag-asawa anytime. Nobya nito si Samantha Godi­nez na pamangkin ni Martin Nievera.

May mga apo na siya sa pamangkin pero hindi lolo ang tawag sa kanya kundi tito o papi. Ganito rin ang gusto niyang itawag sa kanya sakaling magka-apo sa kanyang mga anak. Hindi niya sinusuring mabuti ang mga nakakarelasyon nina Gab at Paolo dahil okay naman ang mga ito.

Sa kabilang banda, may ini-release na album si Gary titled With Love Gary Valenciano under Star Records.

Pagbati sa solar big boss

Bukas (Sept. 5) ay magdiriwang ng kanyang birthday ang well-loved personality na si Wilson Tieng ng Solar Entertainment. Wala na yata siyang mahihi­ling pa sa buhay dahil nasa kanya na ang lahat.

Dalangin lang namin na mabigyan siya ng magandang kalusugan dahil malaki ang naiaambag ng Solar boss sa movie industry lalo na pagdating sa film piracy.

Happy birthday, Boss Wilson!

vuukle comment

BOSS WILSON

GARY V

GARY VALENCIANO

MARTIN NIEVERA

PRIVATE BENJAMIN

SAMANTHA GODI

SOLAR ENTERTAINMENT

STAR RECORDS

VICE GANDA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with