^

PSN Showbiz

Sharon binantayan si Anne habang kumakanta

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Hindi pa man naire-release ang album ni Anne Curtis ay araw-araw na ring napakikinggan ang kanyang boses sa telebisyon. Si Anne kasi ang kumanta ng station ID jingle ng Kapamilya Network ngayon.

Naiyak nga ba ang dalaga noong unang marinig ang kanyang kanta para sa nasabing station ID?

“Hindi naman naiyak, it’s more of parang ‘Wow this is really happening!’ Hindi ako makapaniwala, a station ID is a station ID aminin natin ’yan. Habang kumakanta ako, si Sharon Cuneta nandoon nagka-kape, so it made me proud na parang ‘ako???’

“It’s such a fulfillment because I don’t think singing seriously na parang it’s my career. It’s more of something that I like to do for fun. It gives a kind of feeling to those who listen to my voice nagiging fun lang din ’yung feeling nila, light lang. I’m happy,” pahayag ni Anne.

Ngayon ay kasalukuyang nasa Europe ang dalaga para sa isang bakasyon. Kasama ni Anne sa nasabing trip ang kanyang boyfriend na si Erwann Heussaff at ilang malalapit nilang kaibigan.

Dalawang lalaki sa buhay ni Francine sabay nawala!

Naging malapit sa isa’t isa sina Francine Prieto at Bobby Yan dahil magkasama sila sa radio prog­ram ng DZMM na Ka-Date. Meron palang namagitan sa dalawa at ngayon ay magkahiwalay na sila.

“Wala na, ’tapos na ’yung amin. Kailangan lang naming maka-move on ng maayos sa ngayon,” makahulugang pahayag ni Francine.

Totoo kayang nagkaroon ng third party sa pagitan ng dalawa?

“Well, isa ’yon kung bakit kami nagkahiwalay. Meron akong kaibigan na mata­gal ko ng kaibigan. Hindi ko itinatago na meron akong friend na tumutulong sa akin. Iyon talaga ang reason dahil siyempre lalaki ’yun eh. Mahirap talaga, ’di matanggap nga eh.

“Ilang months din pero kung kelan nawala ’yung friend ko na ’yun, nawala na rin siya. Eto ako ngayon mag-isa,” paliwanag ng dalaga.

Sa paghihiwalay nina Bobby at Francine ay naapektuhan na rin pati ang kanilang trabaho.

“Medyo. Kaya noong nagkahiwalay na kami nagpalipat ako ng programa sa radio, pero sinabi sa akin ng mga bossing na ‘Kaya mo ’yan.’ Sinubukan ko naman pero hindi ko talaga kaya. Ngayon ang naiisip ko, what if magkaroon siya ng iba, mas mahirap,” kuwento ni Francine.

Nakaranas din ang aktres ng matin­ding depresyon nang magkahiwalay sila ni Bobby kasabay ng kanyang problema sa pamilya.

“Ang hirap, araw-araw umiiyak ako. Ang hirap pala mag-isa ka lang talaga, minsan gusto ko nang mag-give up. Kung ano na naiisip kong kalokohan pero nandito pa rin naman ako. Ma­rami pa naman sigurong mga bagay na puwedeng maging masaya pa ako. Umaasa pa rin ako na magiging masaya ako at magiging maayos ang buhay ko,” giit pa ng dating sexy star.

Ngayon ay maayos na ang pakikitungo nina Francine at Bobby sa isa’t isa. “Magkaibigan naman kami, in fairness kay Bobby, kahit hindi na kami, kapag may times na umiiyak ako ng grabeng-grabe, o minsan kailangan ko ng taong makikinig sa akin or magko-comfort sa akin, nandiyan siya.

“Pero siyempre ’di naman ako puwedeng mag-expect dahil wala na nga. Iba na ang sitwasyon naming dalawa,” paliwanag pa ni Francine.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ANNE CURTIS

BOBBY YAN

ERWANN HEUSSAFF

FRANCINE

FRANCINE PRIETO

ISA

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with