^

PSN Showbiz

Jake kinakabahan sa pagbibitbit kay Lovi sa Star Magic Ball

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Gown na disenyo at gawa ni Rajo Laurel ang isusuot ni Lovi Poe sa Star Magic Ball sa Sept. 3. Inimbita ang aktres ni Jake Cuenca na maging date nito dahil naging close at nali-link ang dalawa mula nang magkasama sa My Neighbor’s Wife ng Regal Entertainment, Inc.

Ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez ang nagpaalam sa GMA 7 na dadalo ang aktres at pinayagan naman ito. Nangako si Jake na hindi pababa­yaan ang aktres at siya ang mag-i-entertain dito sa buong gabi ng okasyon.

Ipinaalam din ni Jake sa Star Magic na Kapuso actress ang date niya at nagpahayag na kinaka­bahan siya.

Naging close ang dalawa mula nang magkasama sa pelikula na showing sa Sept. 14 and take note na wa­lang nagdi-deny sa kanila.

Kaya umalis sa ex manager Jay-R nag-aambisyong magka-international career

“Indifferences” ang unang sinabing rason ni Jay-R kung bakit umalis siya sa management ni Arnold Vegafria. Nang makausap after the general presscon ng The Protégé, nadagdagan ang dahilan kung bakit wala na siya kay Arnold.

“I just need fresh breath, new start. Happy naman ako sa kanya. I just expect more and I feel mas matutulungan ako with my music and start of my international recording career with a new manager,” sabi nito.

Gusto niyang magtuluy-tuloy ang magandang pagtanggap ng album niya sa Indonesia at Malaysia at ma-penetrate ang ibang Asian countries. Hindi nito pinangalanan ang bagong manager na very wide ang network na kailangan niya dahil may announcement dito. Pero naalala naming na-tweet niya dati na si Adrian Toribio na ang bago niyang manager.

Anyway, si Jay-R ang ipinadala ng GMA 7 sa Cabanatuan City para maghanap ng mga talents para sa singing contest.

Wala siyang sinunod na criteria, ang nag-stand out lang ang kinuha. Isa sa mga napili niya ay ang batang babae na may angelic voice at tiyak siyang lalaban ng husto sa competition na magsisimula sa Sept. 4.

Actor divorced na pala sa asawa Nadine at Leandro mag-on na!

Guest mamaya sa Paparazzi si Leandro Mu­ñoz, aminin kaya nito ang panliligaw kay Nadine Samonte na kapareha niya sa The Sisters? Ang sabi pa nga sa amin, on na ang dalawa at ito ang rason kung bakit lagi silang magkasama. Last Saturday nga, nagti-taping ang aktres, after 15 minutes ay sumunod si Leandro at nagbantay na hanggang matapos ang taping.

Kung sina Nadine at Leandro na nga, walang mag-aakusa sa aktres na homewrecker siya dahil two years na itong divorced sa wife niya. Si Nadine naman ay hiwalay na sa BF niyang Chinese.

Magtatagal pa rito si Leandro dahil after The Sisters, siya ang leading man ni Arci Mu­ñoz sa Felina ng TV5 pa rin.

vuukle comment

ADRIAN TORIBIO

ARCI MU

ARNOLD VEGAFRIA

CABANATUAN CITY

JAKE CUENCA

JAY-R

LAST SATURDAY

LEANDRO

LEANDRO MU

LEO DOMINGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with