^

PSN Showbiz

Young actress na nabuntis apektado na ang career

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nakalulungkot dahil ang daming mga bata pa ang nagbubuntis ngayon. Hindi naman limitado sa mga artista ang pagkakaroon ng anak out of wedlock. Sa kanila lang madalas ma-focus ang pansin dahil nga artista sila. Pero sa totoo lang, marami ang hindi artista, at higit na nakababata,  ang nagbubuntis ngayon.

Feeling ko maraming mga magulang ang nagkukulang ng panahon sa kanilang mga anak. Panahon na siguro para ibalik n’yo ang paggagabay sa kanila. Huwag n’yo akong bibigyan ng dahilan na nag­hahanapbuhay kayo kaya n’yo sila napapabayaan. Marami akong mga kakilalang mga magulang who are both working but who have always time for their children. I for one ay naniniwala na kapag nawalan kayo ng panahon sa mga anak n’yo, you’ll be raising juvenile delinquents.

Gaano man kaabala, bigyan ng panahon ang mga anak n’yo. Huwag hayaang sa labas ng bahay sila maghanap ng pag­mamahal. Baka rin naka­kalimutan n’yo silang ilapit sa Diyos. Huwag. Laging ilalagay sa isip nila na may isang Supreme Being na nakamasid sa atin palagi, na anumang pagkakamali ang gawin natin, itutuos natin ito sa Kanya.

Sa mga maagang nagka­mali at nabuntis, andyan ang mga magulang n’yo na mahihingan ng tulong. Hindi nila kayo pababayaan. Gone are the days na isinusumpa ng mga magulang ang mga anak na nabubuntis sa pagka­dalaga. Malawak na ang kanilang pag-iisip ngayon, nakakaintindi na sila.

‘Yung young actress na pinaghihinalaang nagbubuntis, pasensiya ka dahil maapektuhan ang career mo. You should have thought of this bago ka bumigay sa boyfriend mo. But it’s not the end of the world for you, dapat marami kang matutunan sa nangya­ring ito.

Ex ni Iwa ang daming bagong babae

Ang dami-dami namang artistang babae na sinasabing nakapalit na ni Iwa Moto sa puso ng kanyang ex. Feeling ko nga eager sila na makarelasyon ang guy sa kabila ng mga nangyari dito at kay Iwa. Hindi ba sila natatakot na maging ganun din kagulo ang kanilang buhay pag-ibig? O baka naman naniniwala sila na iba ang magiging kapalaran nila. Dahil iba naman sila kay Iwa. Na baka hindi lang ito compatible sa kanyang ex. 

Awayan nina Annabelle at GMA 7 exec wala pang nakikialam

Galit na galit na naman daw si mama An­nabelle Rama at on the warpath na naman sa dati pa niyang kagalit na bossing ng GMA 7. ugat ng kanyang galit ang sinasabi niyang pagmamaltrato sa kanyang anak na si Richard Gutierrez. dahil nakaltasan daw ng p1m ang tf nito.

Totoo ba ito, ang laki naman? Sasabihin ko sana na pag-usapan na lang nila ito pero, hindi naman sila nag-uusap ng kaaway niya kaya paano ba ito? Meron bang puwedeng makialam para maayos ito? At si Richard bago ang nanay niya, siya ang dapat makaalam kung may kasalanan ba siya o wala na puwedeng  maging dahilan nga ng pagkawala ng isang milyon sa TF niya.

vuukle comment

HUWAG

IWA MOTO

NAMAN

RICHARD GUTIERREZ

SHY

SILA

SUPREME BEING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with