^

PSN Showbiz

Jennylyn ayaw nang pumunta sa Dubai dahil takot sa 'nanay'

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Ayaw nang i-entertain ni Bianca King ang mga naglalabasang negatibong isyu tungkol sa pagiging bida niya sa bagong Dramarama sa Hapon ng GMA 7 na Sinner or Saint.

May mga naglabasang intrigang sobrang ina­angkin na niya ang bagong drama series dahil siya ang napiling leading lady para kay Dennis Trillo.

Lagi niyang sinasabi na “show ko ito” o “programa ko ito.”

Ayon kay Bianca: “It’s understandable na sometimes, I think it was taken out of context. Siguro trabaho ko ’to, show ko ’to, mahal ko ’to. It doesn’t necessarily mean na negatibo talaga siya.

“Gusto ko lang kung paano mapapaganda ito. Kung meron mang isang bagay na mahal mo, gusto kong ipagsigawan na mahal ko ito.”

 Sa June 17 na ito magsisimula pagkatapos ng Blusang Itim.

PAK : Waging-wagi ang isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Robin Padilla na isa sa mga activities ng Trust condom na iniendorso niya, ang Trust Bunong Braso Challenge.

Tuluy-tuloy pa rin ang qualifying rounds na ginagawa sa ilang lalawigan at sa dara­ting na Sabado, meron uli sa Laurel Gym sa G. Recto St. corner V. Escano St., Barangay C, Rosario, Batangas.

 BOOM: Nag-react na rin ang tunay na ama ni Jennylyn Mercado pagkatapos magpa-interview ang biological mother nito sa The Buzz.

Naka-base sa Korea ang ama ni Jennylyn at maayos ang komunikasyon nilang mag-ama.

Nagagalit na rin ito sa dating asawa dahil wala na itong nagawang tama sa kanilang anak.

Tumawag ito kay Mommy Lydia ni Jennylyn para hu­mingi na rin ng paumanhin sa mga nangyari.

Ayon sa ama ni Jennylyn, parang wala na sa katinuan ang babae na pawang sama ng loob ang mga ibinigay sa kanilang anak.

May nakatakdang show si Jennylyn sa Dubai kung saan doon naka-base ang tunay niyang ina.

Nagdadalawang-isip ngayon ang aktres kung itutuloy niya ito dahil natatakot na baka may gagawin pang hindi maganda ang kanyang ina.

Hindi papayagan ni Mommy Lydia na may mangyari ulit kay Jennylyn.

“Kahit hindi ko kadugo si Jennylyn, itataya ko ang buhay ko para sa kanya,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Mommy Lydia.

vuukle comment

AYON

BARANGAY C

BIANCA KING

BLUSANG ITIM

DENNIS TRILLO

ESCANO ST.

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

MOMMY LYDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with