^

PSN Showbiz

Magkarelasyon nagbanggaan, parehong wasak ang sasakyan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi nagugulat ang mga nakakaalam kung gaano kagulo ang relasyon ng isang controversial actress sa kanyang syota. Mas nagugulat sila kung bakit hindi pa naghihiwalay ang dalawa dahil pagkakatapos nila ng matinding away, nagkakabalikan din.

Na-witness ng isang kaibigan ng aktres ang isa sa matinding away ng mag-dyowa na umabot sa habulan ng kotse. Nang mag-abot, ginitgit daw ng aktres ang kotse ng BF hanggang mag-turn tutle at total wreck ang sasakyan.

Nagtaka nga ang friend ng aktres na hindi naba­litaan ng entertainment press ang nangyari at naitago ng dalawa. Pero nagkabalikan din ang dalawa at dahil parehong may pera, bumili na lang ng bagong sasak­yan. Mula noon hanggang ngayon, nakailang away na ang dalawa at hindi matitigil hanggang wala silang trust sa isa’t isa o kaya’y  maghiwalay na lang.

Aga madalas ang magiging biyahe sa Pinoy Explorer

Kundi mapapalitan, Pinoy Explorer ang title ng reality show ni Aga Muhlach sa TV5 na sa June na raw magsisimula. Sa ibang bansa ang taping nito, kaya madadalas ang biyahe ng actor at ng kanyang team.

Mabuti na lang at walang ibang project si Aga, stop na ang shooting ng movie nila ni Regine Velasquez, kaya wala siyang maiiwang trabaho habang nagti-taping ng Pinoy Explorer.

Elmo mai-in love kay Sam Pinto

May cameo role si Aki Torio ng XLR8 sa Tweenhearts the Movie: Class of 2012 bilang kapareha ni Lexi Fernandez. Tsika ni Lexi, walang dialogue si Aki sa eksena, pero baka magbago ang isip ni direk Mark Reyes ‘pag nalamang maraming fans ang bagets at gugustuhin nilang magsalita ito kahit maiksing dialogue lang.

Sa Bagets, standout din si Aki at walang ka-effort-effort na nakakapagnakaw ng eksena sa mga kasama. Sana lang, hindi maging daan ang pagsikat nito para magkaroon ng selosan sa XLR8.

Para palang co-producer ng GMA Films ang Viva Films sa nabanggit na pelikula dahil bukod kay Aki, ipinahiram din ng Viva si Sam Pinto. Kundi kami nagkakamali, ang dalaga ang gaganap sa role ng teacher na kaiinlaban ni Elmo Magalona. But nothing to worry ang fans nina Elmo at Julie Ann San Jose dahil may cameo rin ang huli at makaka-partner ni Elmo.

Sam YG pinapangarap si Maricar Reyes

Sa May 24 na ang pilot ng Iskul Bukol, kung saan isa sa mga bida ay si Sam YG sa role ni Easy. Honored itong maging part ng sitcom dahil new     avenue ito sa kanya at challenge rin dahil mataas ang expectation ng viewers sa show at sa cast.

Ang hindi namin naitanong kay Sam na ex-BF ni Daiana Menezes ay kung totoong sobra-sobra ang crush niya kay Maricar Reyes at pinapangarap makilala.

Binilang ng press ang cast members ng Iskul Bukol  na galing sa ABS-CBN - kabilang sina Alwyn Uy­ting­co, Erika Padilla, at Regine Angeles. Iba-iba ang rason ng tatlo sa paglipat sa TV5, pero si Erika, tinapos muna ang Imortal at saka pinayagan ng Star Magic na tanggapin ang sitcom ng TV5.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AKI

AKI TORIO

ALWYN UY

DAIANA MENEZES

ELMO

ISKUL BUKOL

MARICAR REYES

PINOY EXPLORER

SAM PINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with