^

PSN Showbiz

Maid na 'naanakan' ni Terminator, lumutang na

-

Manila, Philippines - Nagsuguran ang maraming reporter at photographer sa isang bahay sa Bakers­field, California, United States nang kumalat ang tsismis na dito nakatira ang isang babaeng naanakan ni dating Governor at actor Arnold Schwarzenegger.

Kinilala sa property records ang may-ari ng bahay na si Mildred Patricia Baena pero hindi siya naabutan doon ng media people.

Dinagsa ng media ang bahay ni Baena nang mabanggit ang pangalan niya sa report ng Radar Online at New York Times na ibinatay sa panayam sa dalawang kaibigan ng pamilya Schwarzenegger.

Kasabay ng ulat sa paghihiwalay nina Arnold Schwar­zenegger at ng asawa niyang si Maria Shriver ang pangungumpisal ng aktor na naanakan niya ang isa nilang household staff may 10 taon na ang nakararaan.

Tumanggi ang opisina ni Schwarzenegger na magsalita kung si Baena nga ang ina ng anak sa labas ng dating governor.

Isang may edad na anak na babae ni Baena na si Jacqueline Rozo ang nagsabi sa Associated Press na dating nagtrabaho ang kanyang ina kay Schwarzenegger pero hindi siya nagsalita at hindi makumpirma ng AP kung si Baena nga ang ina ng bata.

Isang litrato ng batang lalaki ang nakaposte sa MySpace page ni Baena at lumilitaw na kahawig ito ni Schwarzenegger noong bata pa ang aktor-pulitiko.

Unang inireport ng Los Angeles Times na naanakan ni Schwarzenegger ang isa niyang empleyado.

Nabatid din sa birth certificate ng anak na lalaki ni Baena na isinilang ito noong linggo ring isinilang ang bunsong anak na lalaki nina Schwarzenegger at Shriver.   

vuukle comment

ARNOLD SCHWAR

ARNOLD SCHWARZENEGGER

ASSOCIATED PRESS

BAENA

ISANG

JACQUELINE ROZO

LOS ANGELES TIMES

MARIA SHRIVER

MILDRED PATRICIA BAENA

SCHWARZENEGGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with