^

PSN Showbiz

Kaya hiniwalayan ng asawa, Arnold Schwarzenegger may anak sa tsimay

-

LOS ANGELES (Xinhua) – Hiniwalayan si dating California Governor at actor Arnold Schwarzenegger ng asawa niyang si Maria Shriver nang malaman ng huli na nagkaanak ang una sa isa nilang maid o household staff.

Ito ang laman ng lumabas na balita kahapon sa Los Angeles Times.

“Pagkatapos ng aking panunungkulan sa gobyerno, ipinagtapat ko ito sa aking asawa kahit may isang dekada nang nakakaraan nang mangyari ito,” sabi ni Schwarzenegger sa isang pahayag kamakalawa sa The Times bilang sagot sa tanong sa kanya.

“Nauunawaan ko at nararapat ang galit at pagkadismaya sa akin ng aking mga kaibigan at pamilya. Walang excuses at inaako ko ang responsibilidad sa naidulot kong sakit. Humihingi ako ng tawad kay Maria, sa aking mga anak at aking pamilya. Patawad,” sabi ng action star.

Nanawagan din siya sa media na igalang ang kanyang asawa at mga anak sa mahirap nilang sitwasyon sa kasalukuyan. “Kahit karapat-dapat ako sa inyong atensiyon at kritisismo, hindi ganito sa aking pamilya.”

Wala pang komento dito si Shriver, ayon sa kanyang tagapagsalita.

Kinumpirma ng mag-asawa sa The Times noong Mayo 9 ang kanilang paghihiwalay.

Sinabi pa ng mag-asawa sa kanilang pahayag na kahit magkahiwalay na sila, patuloy pa rin nilang gagampanan ang kanilang papel bilang mga magulang ng kanilang mga anak.

Lumayas si Shriver mula sa kanilang Brentwood mansion at namuhay nang bukod kay Schwarzenegger sa nagdaang mga linggo.

vuukle comment

AKING

ARNOLD SCHWARZENEGGER

BRENTWOOD

CALIFORNIA GOVERNOR

HINIWALAYAN

HUMIHINGI

LOS ANGELES TIMES

MARIA SHRIVER

SCHWARZENEGGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with