^

PSN Showbiz

Sa sobrang sexy, mga pilot baka ma-distract, billboard ni Ruffa ni-reject ng NAIA!

- Ni Jun Lalin -

MANILA, Philippines - Si Hayden Kho ang unang nag-tweet (haydenjr) ng tungkol sa hindi pagpayag ng NAIA management na mai-install ang Belo Bodytite billboard ni Ruffa Gutierrez sa Terminal 2 ng NAIA (terminal ng Philippine Airlines).

“’Di pinayagan ng NAIA mgt ipa-install new Belo billboard ni @iloveruffag. Masyado daw sexy,” tweet ni Hayden.

Sabi naman ng isang nakausap ko na malapit kay Dra. Vicki Belo, na-ban ang Belo Bodytite bikini billboard ni Ruffa dahil : “Airport officials found it too sexy even if it has a permit from the Advertising Standard Council (ASC).”

Pero tuloy pa naman daw ang pag-install nito. Babaguhin lang ang layout.

Nakausap ko naman si Ruffa tungkol dito at ayon sa TV host/actress, nagulat siya sa balitang nakara­ting sa kanya pero ayaw naman niyang ma-stress kahapon dahil nasa taping pa siya ng Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5.

Mas nakaka-stress daw kasi ‘yung mga eksenang kukunan sa kanila ni Richard Gomez.

 “Nagulat ako sa torrid kissing scene na nakalagay sa script. May bed scene rin kami ni Goma,” sabi sa akin ni Ruffa kahapon.

Anyway, nagbiro na lang si Ruffa sa kanyang Twitter account (iloveruffag). Attached sa kanyang tweet ang picture ng billboard niya. “This was banned at NAIA.? baka daw kasi mabunggo the pilots! Billboard not on the runway, sa arrival area lang po.”

Itinweet din ni Ruffa na : “But since we are one to respect & not argue, Belo will comply & replace w/ the red @MartinBautista9 dress layout. Legs nalang po yun ha!”

Anyway, after ng taping ni Ruffa ng Mga Nagbabagang Bulaklak ay nagmamadali na siyang pumunta ng airport para sa flight nila ng mga anak na sina Lorin at Venice pa-Davao City.

Nang tawagan ako ni Ruffa, hindi na ang Belo Bodytite billboard niya ang naging topic.

Ikinuwento niya na naloka siya sa mahal ng pagpapa-upgrade para sa kanilang flight pa-Davao nga.

Nang mag-book daw kasi siya ng flight nilang mag-iina, wala nang bakante sa business class, kaya economy na lang ang nai-book niya.

Eh, kahapon daw, may business class na raw na available, pero nakakaloka raw na P10,000 each ang babayaran niya sa pagpapa-upgrade, kaya hindi bale na lang daw at magtitiyaga na lang siya sa economy section.

Umiiral ang pagiging kuripot ni Ruffa sa mga ganitong pagkakataon na kung sabagay ay makatuwiran dahil isa siyang single working mom.

Richard kasama sina Lovi at Solenn sa Bora

Hanggang noong Lunes lang ang taping ng Captain Barbell, kaya Martes pa lang ay bakasyon na si Richard Gutierrez, ang bida ng telefantasya ng GMA 7.

Pero dahil noon pa nila nai-book ang flight pa-Boracay, kahapon lang sila nakabiyahe.

Kasama ni Richard sa bakasyon sina Lovi Poe at Solenn Heussaff.

Magkikita rin sila sa Boracay ni Ervic Vijandre na isa sa mga kontrabida sa Captain Barbell.

Siyempre pa, kasama rin sa bakasyon si Raymond Gutierrez na mauunang bumalik ng Maynila sa Linggo dahil live ang kanyang talk show sa Siyete.

Kahapon, hindi magkandaugaga si Annabelle Rama sa pagtatawag sa kanyang mga anak para paalalahanang maagang pumunta sa airport dahil napakarami raw tao sa airport.

Congested sa airport at ayaw ni Bisaya na maulit ang experience nila last year na naiwan sila ng erop­lano.

Kasama rin nga pala ni Richard sa bakasyon ang mga kapatid na sina Rocky, Elvis at Ritchie Paul.

Sa Lunes ang balik ni Richard ng Maynila at de­retso na siya sa taping ng Captain Barbell.

vuukle comment

ADVERTISING STANDARD COUNCIL

ANNABELLE RAMA

BELO

BELO BODYTITE

BORACAY

CAPTAIN BARBELL

LANG

MGA NAGBABAGANG BULAKLAK

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with