^

PSN Showbiz

Sinadya talaga Precious Lara feel na feel ang gown na kita ang panty

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Matapos pag-usapan ang naging hairstyle ni Maria Venus Raj sa Binibining Pilipinas 2011 coronation night noong Linggo ay si Precious Lara Quigaman naman ang sentro ng kontrobersiya ngayon.

Marami kasi ang nakapansin sa suot na pulang gown ni Lara dahil masyado itong revealing at pinalitaw talaga ang specially designed underwear nito dahil sa haba ng slit ng nasabing kasuotan sa gitna.

May mga nagsasabi pa na malaswa o bastos para sa isang beauty queen ang magsuot ng ganito.

“’Yung mga tao, naninibago lang sa akin, kasi kapag lumalabas ako very safe lang, lahat ng suot ko at lahat ng damit ko. I don’t think it’s bastos kasi hindi ko rin naman siya susuotin if it was. Tinanong ko rin ’yung mga tao beforehand and they say it’s okay. Mom ko tinanong ko and she said okay naman,” kuwento ni Precious Lara.

Nagustuhan kaagad ng beauty queen-actress ang kanyang sexy gown na gawa ng designer na si Michael Cinco nang una pa lamang niya itong makita. Wala rin masamang intensiyon si Lara sa pagsusuot nito.

“Kapag nagsuot naman ako ng gown ’di para gumawa ng issue o para gumawa ng ingay, dahil gusto ko talaga. Kung ano ’yung makita kong maganda that suits me and alam kong hindi bastos, I would wear it. Hindi ko iisipin kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Iba-iba ’yung tingin sa lahat ng bagay.

“Sa ibang tao gusto nila, sa ibang tao hindi nila gusto. Tulad ng lagi nating sinasabi. If you don’t have anything nice to say, huwag na lang magsalita pero siyempre ’di natin sila mapipigilan,” seryosong pahayag pa ng aktres.

Regine maraming advice ang binigay kay Angeline

Masayang-masaya ngayon ang Star Power first female superstar na si Angeline Quinto. Bukod kasi sa sumisikat na siya ngayon ay natupad na rin ang pangarap niyang makasama ang idolong si Regine Velasquez.

Kamakailan ay binisita ni Angeline si Regine sa mismong bahay nito at hinding-hindi makakalimutan ng baguhang singer ang pangyayaring nakasama niya ang idolo.

“Before po iyon ng ASAP Rocks Cebu eh. Doon po kami nag-dinner. Talagang napa-wow po ako, ang ganda ng bahay niya, may swimming pool po kasi sa loob. Kasi pangarap ko rin po ’yung ganun,” nakangiting kuwento ni Angeline.

“Nagulat ako noong nakita ko siya kasama niya, si Sir Ogie Alcasid, nakakatuwa kasi kahit na may mga kausap siya, doon pa siya pumuwesto sa table namin. Ang dami pong advice na ibinigay tungkol po sa pagkanta,” emosyonal pang pagtatapos ng dalaga.

Natutuwa naman ang Asia’s Songbird dahil sa narating na tagumpay ni Angeline.  Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

BINIBINING PILIPINAS

KASI

LARA

MARIA VENUS RAJ

MICHAEL CINCO

OGIE ALCASID

PRECIOUS LARA

PRECIOUS LARA QUIGAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with