^

PSN Showbiz

Cristine hindi na dapat sumagot!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Mabuti na lamang at tonsillitis lang ang na­ging da­hilan ng operasyon ni Jennylyn Mercado. Ma­ra­ming fans ng actress ang matagal nang nag-aa­lala sa kanyang kalusugan. Paano palagi siyang nao-ospital. Nung hindi pa nila batid ang dahilan ng ope­rasyon nito ay talagang worry to death sila. Lumuwag lamang ang paghinga nila nang malamang tinanggalan lang siya ng tonsils.

Mabuti naman at natanggal na ito. Pakiramdam nila, ito ang nagbibigay ng sakit sa kanyang puso. 

We wish Jennylyn speedy recovery. Para rin ma­ba­wasan na ang pag-aalala sa kanya ng lahat, lalo na ni Dennis Trillo.

* * *

Maganda ang role ni Kris Bernal sa Machete. Marami ang kinikilig sa kanila ni Aljur Abrenica. Ka­ya lang mukhang nawawala sa eksena si Bela Pa­dilla. Worried ang viewers na baka makuha ng character ni Kris si Machete, eh mababalewala na si Aginaya o Rosela. Sayang naman daw!  

Buti pa ang character na ginagampanan ni Ry­za Cenon, nasaniban ng isang ispiritu from the past kaya hindi nawala. With Kris around, kaila­ngang magtrabaho ng mga writers ng Machete ng double time para hindi mawala si Aginaya sa istorya at maibalik pa siya kapag nag-baboo na si Jessa (Kris). ‘Di puwedeng forever and ever mag-guest si Kris dahil talagang masisira ang takbo ng istorya ni Machete.

* * *

Kung ako si Cristine Reyes ‘di na lang ako sasagot o magri-react sa naging revelation ni Sarah Geronimo sa isang magasin tungkol sa naging relas­yon nila ni Rayver Cruz. Sila naman ni Rayver ang nag­katuluyan in the end. Anuman ang sabihin ni Sarah ngayon is all water under the bridge. Nakaraan na ito at hindi na maibabalik. Magagawa na lamang nilang isi­pin ng may panghihinayang o alalahanin ng may ngiti sa labi dahil naganap ito sa panahong pare-pareho si­lang mga bata pa at hindi pa alam ang gagawin sa ibinigay sa kanilang sitwasyon.

Madali naman silang makaka-move on dahil naniniwala akong ang naranasan nila o naramdaman ay hindi pa naman matatawag na love. Ganito naman lahat – almost all, ng first love, hindi nagkakaroon ng magandang wakas. Hindi natutuloy. But it will be a beautiful part of everyone’s growing up, hindi nangyari para palungkutin ang mga nag-akala na nain-love sila kundi magsilbing magandang alaala na lamang ng nakaraan. 

vuukle comment

AGINAYA

ALJUR ABRENICA

BELA PA

CRISTINE REYES

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

KRIS BERNAL

RAYVER CRUZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with