^

PSN Showbiz

Wala nang masyadong trabaho, ang nanay sugarol pa, kotseng hinuhulugan ng child actor hahatakin na

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Masama na ang loob ng pamilya ni Paquito Diaz sa mga nagkakalat ng maling balitang sumakabilang buhay na ang naturang character actor.

Totoong nasa ICU na si Paquito sa isang hospital sa Bicol pero lumalaban pa ito at inaalagaan ng kanyang asawang si Nena.

Ayaw na munang magsalita ni Joko Diaz pagdating sa kanyang ama dahil mabigat din sa kanyang loob na pag-usapan ito.

Pero naniniwala silang dahil sa patuloy na pagdarasal ay magtatagal pa ang kanyang ama.

“Lagi kong sinasabihan iyan na masamang damo ka, kaya magtatagal ka pa,” birong kuwento ng asawa ni Paquito.

TANONG : Kung engaged na sina Kyla at Rich Alvarez, totoo nga bang matagal na ring engaged sina TJ Trinidad at ng non-showbiz girlfriend niyang si Marga Valdez?

Ayaw magsalita ni TJ tungkol sa isyung iyan dahil gusto niyang manatiling private pagdating sa kanyang love life.

TOTOO KAYANG nanganganib na bumalik sa hirap itong child actor na hindi na gaanong napapanood ngayon sa TV?

Maaaring nasa awkward age na si child actor pero puwede pa rin naman siya, kaya lang madalang na siya ngayong nakukuha sa mga programa.

Ang problema, nung kasikatan nito, pinagsabay nila ang pagbili ng bahay at kotse na hanggang ngayon ay hinuhulugan pa.

Ang latest ngang narinig namin, malapit nang hatakin ang kotse niya dahil hindi na ito nahuhulugan.

Hindi pa rin kasi tumitigil sa kasusugal ang ina nito kaya hindi rin sila nakapag-ipon ng husto nung panahong kumikita ng malaki ang pobreng bata.

Sana matulungan ito ng home studio niya dahil sayang naman ang batang ito.

TSIKA LANG : Hindi maitatangging hit na hit ngayon ang Philippine Azkals kaya kahit sa showbiz ay bentang-benta at hinihintay na lang kung kailan nila ito papasukin.

Nasa showbiz naman dati si Phil Younghusband pero mas sikat siya ngayon at marami na pala ang nag-aalok sa kanila ng programa.

Pero ang isa sa tumutulong sa kanila ay si Tim Yap na malapit sa grupo. May binabalak si Tim para sa Azkals para sa kanyang Team Yap Productions na maaaring i-produce niya para sa GMA 7 pero ayaw pa muna niyang sabihin kung ano ito dahil sa ngayon ay abala pa ang naturang grupo sa kanilang laban para sa AFC Challenge Cup.

vuukle comment

AYAW

CHALLENGE CUP

JOKO DIAZ

MARGA VALDEZ

PAQUITO

PAQUITO DIAZ

PERO

PHIL YOUNGHUSBAND

PHILIPPINE AZKALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with