^

PSN Showbiz

Maraming artista shocked sa pagpapakamatay ni Angelo Reyes

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Shocking news ang pagpapakamatay kahapon ni Secretary Angelo Reyes sa harap ng puntod ng kanyang ina sa Loyola Memorial Park, Marikina City.

Hindi taga-showbiz si Secretary Reyes pero shocked ang maraming artista sa kanyang ginawa. Pagpapatunay lamang ito na involved na involved ang mga artista sa mga kaganapan sa gobyerno.

Sinusubaybayan nila ang imbestigasyon ng senado sa anomalya sa mga datung na ibinibintang na ginetlak ng mga military official.

Bago ako nagpunta sa Paris noong nakaraang linggo, ang graft and corruption case na isinampa ni Secretary Reyes laban kay Senator Jinggoy Estrada ang balita.

Si Atty. Bonifacio Alentajan ang abogado ni Secretary Reyes at siya ang nagsampa ng kaso laban kay Jinggoy sa Ombudsman.

Ikinabigla ni Atty. Alentajan ang tragic ending ng kanyang kliyente dahil magkausap pa raw sila noong Lunes.

Si Atty. Alentajan din ang abogado ni Baron Geisler. Sinampahan din niya ng graft and corruption case sa Ombudsman si Yasmien Kurdi dahil sa demanda nito laban kay Baron.

Suggestion ni Rep. Lani hindi pinakinggan

May nagkuwento sa akin tungkol sa suggestion ni House Representative Lani Mercado na ipagpaliban muna ang hearing kahapon ng kamara sa kaso na kinasasangkutan ni Secretary Reyes at ng ibang mga military official.

Itinuloy din ang pagdinig dahil live ito na napanood sa news channel ng GMA 7 at ng ABS-CBN. Invited si Secretary Reyes sa hearing kahapon pero nagpadala siya ng sulat at nakasaad dito na hindi siya makakadalo. ‘Yun pala, may ibang plano siya na ikinabigla ng buong Pilipinas.

TV5 masaya sa rating nG Hampaslupa

Happy ang management ng TV5 dahil mataas ang rating ng pilot episode ng Babaeng Hampaslupa noong  Lunes.

Nagpadala sila kahapon ng text message sa mga reporter na very happy ang atmosphere ngayon sa TV5 dahil pumalo sa ratings ang pilot telecast ng Babaeng Hampaslupa.

Hiwalayan ng isang aktor at aktres, gimik lang!

May balita na gimmick lamang ang break-up ng aktor at aktres para ma­pa­nga­lagaan ang kanilang mga showbiz career.

Patuloy ang dalawa sa pagtatagpo at nakita pa sila na magkasamang kumakain sa isang restaurant sa Quezon City.

Nakiusap ang aktor sa isang TV reporter na huwag na siyang tanungin tungkol sa kanyang actress-girlfriend para hindi na maungkat ang isyu. Nahihirapan yata ang aktor na makalimutan ang girlfriend na mas matanda sa kanya dahil sa ‘karanasan’ na   hindi yata niya makalimutan.

Diva, Rich, Sheena at Yasmien nag-birthday sa mall

Sama-sama na nagdiwang ng kanilang mga birthday sina Diva Montelaba, Rich Asuncion, Sheena Halili at Yasmien Kurdi sa Robinson’s Mall, Dasmariñas Cavite noong January 30.

Pinasaya ng apat ang fans na tuwang-tuwa dahil nakita nila sa personal ang mga talented actress ng Artist Center ng GMA 7.

Kumanta, sumayaw at nakipagbiruan sina Yasmien, Rich, Diva at Yasmien sa kanilang mga taga­hanga na hindi umalis sa Robinson’s Mall hangga’t hindi natatapos ang show.

vuukle comment

ALENTAJAN

ANGELO REYES

ARTIST CENTER

BABAENG HAMPASLUPA

SECRETARY REYES

SI ATTY

YASMIEN

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with