^

PSN Showbiz

Aljur walang mintis sa gym

-

MANILA, Philippines –  Marami na ngayong nagkalat na mga gym o fitness centers na paboritong dagsaan ng mga gustong magbawas ng timbang, magpaganda ng katawan, mag-ehersisyo, o magpalakas lang. Madalas ang mga celebrities na dumadayo sa ganitong lugar.

Isang halimbawa ang 20-year-old actor na si Aljur Abrenica na isang tipikal na image ng sexy, handsome, at talented.

Lalong nadidiin ang imaheng iyon ni Aljur sa pagpapalabas ng solo show niyang Machete sa GMA 7 dahil kinagigiliwan siya ng mga televiewers lalo na ng mga babae.

Ang Machete nga ng GMA na idinirehe ni Don Michael Perez ay remake ng film version nito. Kasama rito ni Aljur sina Ryza Cenon at Bela Padilla.

“Araw-araw, pumupunta ako sa gym. Kahit isang oras sa isang araw,” sabi ng Kapuso star na nagpalakas sa kanyang base ng mga tagahanga sa fantasy drama na The Last Prince at Ilumina.

Lumalabas din si Aljur sa Men’s Health magazine dahil nga sa pag-aalaga niya sa kanyang katawan. Bago pa man napunta sa kanya ang role ng Machete, pinangalanan na siya ng One Asia World na isa sa mga attractive na celebrity men. Nanguna siya sa listahan na may 100 pangalan at tinalo niya sina Piolo Pascual, Sam Milby, at iba pang major stars.

Bago pa man siya nanalo sa StarStruck bilang Ultimate Hunk nito, nakahiligan na talaga ni Aljur ang pagpapaganda sa kanyang katawan. “Ever since athletic na po ako at gusto ko po talaga ang healthy lifestyle,” sabi pa niya.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG MACHETE

BELA PADILLA

DON MICHAEL PEREZ

LAST PRINCE

ONE ASIA WORLD

PIOLO PASCUAL

RYZA CENON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with