^

PSN Showbiz

Kaya tatlong istasyon ang nilalabasan, Eugene madaling mabato sa paulit-ulit na ginagawa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Masuwerte ang mga closest friends ng isang sikat na singer-actress, lalo na ’yung wala pang iPad dahil last Christmas, iPad ang gift ng singer-actress sa mga malalapit niyang kaibigan.

Maraming malalapit na kaibigan ang singer-actress at marami silang nabigyan ng iPad. Ang bilin lang ni SA ay ’wag nang ikuwento (lalo na sa press) kung ano ang regalo niya sa kanila para hindi na ma­ging isyu. Kaso sa sobrang tuwa ng ilang nabigyan ng tablet computer, natsika nila ang mamahaling regalo.

Sabagay, last Christmas ang pinakabonggang pa­mimigay ni SA ng regalo pati press ay hindi niya na­kalimutan. Wish nitong mas marami pa siyang ma­­ga­wang projects this year para mas marami ang mabigyan niya ng gift sa darating na Pasko.

* * *

Sa bagong trailer ng My Valentine Girls, ipina­kita na ang eksenang naka-swimsuit si Eugene Do­mingo. Nagpapalagay pala siya ng expired sunblock kay Richard Gutierrez, ’kaaliw. Tiyak na laugh trip ang Gunaw episode ng dalawa dahil trailer pa lang, natatawa na ang mga tao.

Si Chris Martinez ang director ng Gunaw episode ng My Valentine Girls na showing sa Feb. 9, at sa Feb. 7 naman ang premiere night. Si Eugene na rin ang nagsabing mala-Eba at Adan sila ng aktor sa episode sa pangalan pa lang nilang sina Ivy at Aidan.

“Network Crossover Queen” pala ang bagong title ni Eugene dahil isa lang siya sa mga artista na nakalalabas sa ABS-CBN, TV5, at GMA 7 na walang isyu.

“Naniniwala kasi ako na hindi kailangang limita­han ang sarili sa paulit-ulit na ginagawa dahil mabo-bore ako,” sabi ng komedyana.

Naurong pala sa March 3, ang showing ng Who’s That Girl? ng Viva Films na kasama rin si Eugene, kaya hindi siya mangangarag sa promo ng mga pelikula niya.

* * *

Sa taping ng Reel Love Presents Tween Hearts lang uli namin nakita si Jake Vargas at totoo ngang mataba ang bagets at hindi lang sa TV siya masyoba. Double chin ang young actor, kaya kailangan niyang magpapayat agad kung ayaw niyang mawalan ng project.

Matagal pa namang tatakbo ang Tween Hearts, baka sa kalaunan magmukha siyang kuya ng ka-love team na si Bea Binene at hindi na ka-love team. Nakadagdag pa sa pagtaba ni Jake ang gupit ng buhok.

Samantala, nag-sorry si Bea sa fans nila ni Jake sa napakataklesa nitong sagot na “hindi” nang tanu­ngin kung crush niya ang ka-love team. Na-call ang attention nila ng network at pati si German Mo­reno na manager ni Jake ay pinagsabihan si Bea na hindi makatutulong sa love team niya ang kanyang ginawa.

Baka naman nagseselos o gumanti lang si Bea da­hil balita namin, isa sa kasama nila sa Tween Hearts ang gustong ligawan ni Jake. Controversial ang isyu at umabot sa series of phone calls sa mga involved parties. Mabuti at mabilis naayos ang konting gusot. Hay, young love!

* * *

Na-tweet ni Paolo Bediones ang groundbreaking kahapon ng TV5 Media Center sa Sheridan St., sa Mandaluyong City. Six new studios ang itatayo sa TV5 Media Center at kasama rito ang mga entertainment shows.

Nabanggit din ni Paolo na i-announce na sa May this year ang global expansion ng TV5 at magsisimula sa North America. Plano ng istasyon na maka-acquire ng Indonesian channel for regional exposure.

vuukle comment

BEA

BEA BINENE

CHRIS MARTINEZ

EUGENE DO

FEB

MEDIA CENTER

MY VALENTINE GIRLS

SHY

TWEEN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with