^

PSN Showbiz

American Idol binago ang sistema

-

MANILA, Philippines - Ngayong Huwebes ng gabi, 6:00 p.m. via satellite, balik-Q Channel 11 na ang pinakamalaki at pinakasikat na talent show sa buong mundo – ang American Idol!

Sa bagong season ng Emmy-Award winning talent show, bibida ang mga bagong judge, positive changes sa programa, at marami pang mga sorpresa na talaga namang mas lalo pang magpapa-init.

Dalawang bagong judges ang makakasama ni resident judge Randy Jackson – ang recor­d­ing superstars na sina Jennifer Lopez at Steven Tyler, frontman ng rock band na Aerosmith. Ang kilalang record producer na si Jimmy Iovine, chairman ng Interscope Geffen A&M Records, naman ang bagong in-house mentor ngayong Season 10.

Ayon sa aktres at platinum-selling singer na si Lopez, kilala rin bilang J. Lo, napahanga siya ng maraming IDOL hopefuls ngayong season. Sa audition pa lang, kung saan hindi lang isang klase ng kanta ang pinabirit sa karamihan sa mga contestants, sinabi ni J. Lo sa L.A Times na may Idol hopefuls na maaaring maging matagumpay na recording artists. Napahanga rin ang rock icon na si Tyler, pero dinagdag ng Grammy winner na kung kinakailangan, magiging prangka siya sa mga contestant.

Marami ring positive changes sa season 10 na lalo pang magpapatingkad sa pinaka-aabangang talent show. Unang sabak ng audition episodes ay sa New York/New Jersey, na susundan ng auditions sa New Orleans. Ang mga makakalusot sa auditions ay tutuloy sa Hollywood Rounds.

Ang mga makakalusot naman sa Hollywood Rounds ay pasok sa sunod na round kung saan, sa kauna-unahang pagkakataon sa Idol, bibirit ang natitirang hopefuls sa Cirque du Soleil LOVE stage sa Las Vegas. Marami pang mga sorpresang naghihintay, tulad ng mga pagbabago sa pagpili ng finalists.

Magbabalik kaya ang Wild Card – kung saan ang mga hurado ay puwedeng magdagdag ng isa pang contestant sa finals – ngayong season? Magkakasundo kaya ang tatlong bigating judges? Ano kayang mga outfits ang isusuot ni J. Lo, na kilala sa kanyang mga pinag-uusapang kasuotan? At syempre pa, may mga Fil-Am kaya na magpapabilib sa mga manonood ngayong season?

Huwag palalampasin ang two-episode premiere ngayong January 20 at 21, 6:00 pm via satellite (may same day replay sa 7:45 ng gabi para sa Jan. 20 at 8 ng gabi para sa Jan. 21) sa Q Channel 11!  

vuukle comment

A TIMES

AMERICAN IDOL

HOLLYWOOD ROUNDS

INTERSCOPE GEFFEN A

JAN

JENNIFER LOPEZ

JIMMY IOVINE

LAS VEGAS

Q CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with