^

PSN Showbiz

Pagka-absuwelto ni Hayden hindi na sorpresa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ipinaabot sa akin ni Jason Webb ang pangungumusta nang magkausap sila ni Jopay Manago noong Martes.

Hindi ko pa nalilimutan na si Jason ang nag-asikaso sa akin at sa dala­wang anak ko nang panoorin namin ang concert ni Michael Jackson mula sa kanilang condo unit sa Asiaworld noong December 1996.

Hindi kami nakipagsiksikan ng mga anak ko sa maraming tao na nanood ng concert ni Michael dahil komportableng-kompor­table ang puwesto namin sa condo unit ng mga Webb.

Wala si Hubert dahil nakakulong na ito noon sa Parañaque City Jail pero dinalaw ko siya at ang kanyang mga co-accused.

Si Joey Marquez pa ang mayor noon ng Parañaque City kaya nabisita ko ang mga suspects sa Vizconde Massacre. Cute na cute ako noon kay Pyke Fernandez na sinabihan ko na gagawin kong artista kapag lumaya siya.

Malaki na ang ipinagbago ng physical appearance ni Pyke dahil sa 15 taon na binuno nila sa loob ng kulungan. Natuwa ako nang malaman ko na plano nila ng kanyang girlfriend na magpa­kasal ngayong malaya na siya.

* * *

Visible na visible sa TV si Hubert na walang bukambibig kundi ang Diyos. Talagang malaki ang nagawa ng 15 years niya sa kulungan para lalo siyang mapalapit sa Diyos.

May balak din si Hubert na magpakasal sa babae na makikilala at mamahalin niya pero ang makapiling ang pamilya ang kanyang priority sa ngayon.

May binatilyong anak si Hubert na hindi puwedeng banggitin ang name alang-alang sa kanyang privacy. Ipinagmamalaki ni Hubert na guwapo ang kanyang anak.

* * *

Kapangalan lang ng yumaong aktor na si Miguel Rodriguez ang Miguel Rodriguez na sangkot sa Vizconde case at kasabay na lumaya ni Hubert.

Balak ni Miguel na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at law ang iniisip niya. Naging mailap si Miguel sa media dahil tumanggi siyang magpainterbyu.

* * *

Tumuloy si Tonyboy Lejano sa bahay ng kanyang Tita Lara Melissa de Leon nang lumaya siya noong Martes.

Si Tonyboy ang nag-iisang anak ni Pinky de Leon na tuwang-tuwa sa desisyon ng korte. Nagkaroon ng reunion sa bahay ni Lara ang De Leon family dahil sa paglaya ni Tonyboy.

Naroroon ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong at ang kanilang nanay, ang veteran actress na si Lilia Dizon.

Nanay na nanay si Pinky nang makita nito at isa-isang yakapin ang mga co-accused ng kanyang anak sa Vizconde Massacre. Nakikiisa si Pinky sa pagdarasal na mahuli ang mga tunay na pumatay sa asawa at mga anak ni Lauro Vizconde.

* * *

Hindi ako sure kung papayag si Katrina Halili na mag-guest ng live sa Startalk sa darating na Sabado at magsalita tungkol sa pagkakabasura ng korte sa kaso nila ni Dr. Hayden Kho, Jr.

Sa totoo lang, matagal ko nang narinig ang tsismis na mapapawalang-sala si Hayden kaya hindi ako nasorpresa nang malaman ko ang desisyon ng korte noong Martes.

Na-prove ko tuloy na totoo ang matandang kasa­bihan na kapag may usok, may apoy dahil nangyari ang tsismis na narinig ko noong July. Wala itong ipinagkaiba sa tsismis na palalayain ng Supreme Court sina Hubert, et al. Hindi talaga mawawala ang mga reliable sources, lalo na kung napaka-high profile ng kaso.

vuukle comment

ANAK

CITY JAIL

DE LEON

DIYOS

HUBERT

KANYANG

MIGUEL RODRIGUEZ

VIZCONDE MASSACRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with