^

PSN Showbiz

Dingdong at Marian matagal nang engaged?!

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE: Itinatanggi ni Vic Sotto na bahay nila ni Pia Guanio ang ipinapatayo sa Alabang. Ilang beses din siyang nakikitang dumadaan sa construction at tsinitsek ito.

“Walang ganun. Oo meron siyang pinapata­yong bahay, hindi ko regalo. Hahaha! Siguro kung mag-asawa kami, bahay naming dalawa, pero hindi naman kami mag-asawa so sa ngayon bahay niya ’yun,” sagot ni Bossing Vic.

Malapit ’yun sa bahay niya kaya paminsan-minsan na nahilingan siya ni Pia na merong i-check doon, kaya napapadaan siya.

TANONG: Proposal for marriage na nga kaya ang isang “life-changing” na regalo ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera?

Hindi pa rin matukoy ni Dingdong kung ano ito, basta abangan na lang dahil maaaring may pagbabago nga sa kanila sa susunod na taon.

Ang narinig naman namin, matagal na silang engaged pero hindi pa napapagdesisyunan kung kailan ang kasal.

Maaaring hindi sa 2011, at malamang sa 2012 na ito.

TOTOO KAYANG iba na kung umasta ngayon itong baguhang young star na galing sa isang talent-reality show?

Minsang inaayusan ito ng make-up artist na show na sinasalihan nito, bigla niyang tinabig ang kamay ni make-up artist dahil basa ang sponge na ginamit sa kanya.

Parang diring-diri itong tinilian si make-up artist kung bakit basa ang sponge na ginamit sa kanya. Parang nadumihan ito sa ginawa sa kanya.

Say naman ni make-up artist, kaya basa ’yun dahil hinugasan naman niya nang mabuti bago ito dumampi sa mukha ni baguhang young star.

Narinig ko lang na pinag-usapan siya ng mga make-up artists na kung umasta raw itong si baguhang young star ay pagkalinis-linis niya, eh mukha naman siyang libagin!

TSIKA LANG: Sunud-sunod na suwerte ang dumara­ting ngayon kay Frencheska Farr dahil bukod sa bagong album nito na ilo-launch ng GMA Records, may bonus pa siyang suwerteng pagkapanalo ng pelikula niyang Emir sa 34th Cairo International Film Festival.

Ginawaran ito ng Yussef Chahine Award for best artistic contribution kaya tuwang-tuwa ang young singer/actress sa magandang parangal na natamo ng kauna-unahan niyang pelikula.

Wala na siyang masasabi pa kundi pawang pa­sa­salamat at sana nga ay tuluy-tuloy na ang su­werte hanggang sa launch ng kanyang bagong album na Inside My Heart under GMA Records.

vuukle comment

BOSSING VIC

CAIRO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

DINGDONG DANTES

FRENCHESKA FARR

INSIDE MY HEART

MARIAN RIVERA

PIA GUANIO

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with