^

PSN Showbiz

Puerto Rican mas guwapo sa lahat nang na-link kay Ruffa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nakita ko kahapon sa Sunday Lifestyle section ng Philippine Star ang picture ni Ruffa Gutierrez at ni Eduardo Puertas, ang Puerto Rican guy na natsitsismis na boyfriend niya.

Guwapo ang mhin at bagay na bagay sila ni Ruffa. Unang na-sight si Eduardo ng mga reporters sa birthday show ni Annabelle Rama sa Crowne Plaza ballroom noong October. Nagduda agad sila na special friend ni Ruffa ang tukayo ng kanyang ama dahil asikasung-asikaso niya si Eduardo.

Mama Salve, nakita sa Lifestyle section ang ganda ng picture nina Ruffa at Eduardo at maniwala kayo dear PSN readers sa aking komento na bagay sila. Mukhang artista si Eduardo at mas guwapo siya sa ibang mhin na nali-link kay Ruffa.

*    *    *

Masasarap lahat ang pagkain sa birthday dinner ni Amy Austria sa Lolo Dad’s Restaurant noong Sabado nang gabi.

As usual, ako ang pinakamaagang dumating sa mga bisita at ako pa ang nagsabi sa staff na buksan na nila ang buffet table. Ako rin ang pinakamaaga na umalis sa party kaya hindi na kami nagpang-abot ni Lorna Tolentino na kadarating lang nang magbabu ako.

Ang ganda-ganda ni Amy sa kanyang black gown. Para siyang debutante at escort niya ang kanyang mister na si Duke Ventura.

Ang sabi nga ni Telly Acuba na best friend ni Amy, sinusuwerte ito dahil never na nagbago ang kanyang ugali. Hanggang nga­yon, nana­natiling humble at mabait si Esmeng. Wala siyang kaere-ere sa katawan kaya lalong gumaganda ang takbo ng buhay niya. Ngayon ang talagang kaarawan ni Esmeng kaya babatiin ko siya ng “happy birthday!”

*    *    *

Wala si Christopher de Leon sa birthday dinner ni Amy. Ang kanyang misis na si Sandy Andolong at anak na si Gabriel ang nakita ko sa Lolo Dad’s.

Lalong gumuwapo si Gabriel na type na sundan ang yapak ng kanyang mga magulang. Sa mga anak nina Sandy at Boyet, si Gabriel ang interesado na maging artista at hindi ito nakapagtataka dahil galing siya sa showbiz clan.

Pinayagan na nina Sandy at Christopher na pumasok sa showbiz ang bagets kaya nagha­handa na ito sa pagsabak niya sa pag-arte.

*    *    *

Sosyal ang produ ng Rosario dahil gi­na­gastusan nila ng husto ang promo ng kanilang unang pelikula.

Kita n’yo naman, full page ang mga ads kahapon ng Rosario sa mga broadsheets. Ang ibig sabihin, daan-daang libo ang ibinayad ng mga produ para magkaroon ng awareness ang mga tao sa kanilang filmfest entry.

Si Jennylyn Mercado ang star ng Rosario at ang movie outfit ng TV5 ang produ ng pelikula. May exclusive contract si Jennylyn sa GMA 7 kaya hindi siya puwedeng umapir sa mga shows ng TV5 para sa promo ng Rosario. May naisip na solusyon ang mga produ at ito ay ang madalas na pagpapalabas ng trailer ng Rosario sa TV5.                                                

vuukle comment

AMY AUSTRIA

ANNABELLE RAMA

CROWNE PLAZA

DUKE VENTURA

EDUARDO

LOLO DAD

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with