^

PSN Showbiz

Kris ipinagtanggol ng may-ari ng Bench

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Itinatanggi ni Mr. Ben Chan ng Bench ang kumalat na kuwentong hinarang ni Kris Aquino ang billboard na ibibigay ng Bench kina Willie Revillame at Shalani Soledad para sa promo ng Willing Willie.

Nagtataka si Ben kung saan nanggaling ang ganung intriga dahil sa susunod na linggo ay nakatakda nang ipaskil ang billboard ng Willing Willie na kung saan sina Willie at Shalani ang nagpa-pictorial. Pero titingnan pa muna niya ang layout.

Unfair naman kay Kris na pagbintangan siya ng ganun dahil hindi nga nila ito napag-usapan.

Nagulat din si Kris na may ganung intriga dahil wala naman siyang ginawa. Sinagot na rin niya ang intri­gang ito sa kanyang Twitter account.

TANONG : Totoong nagkaayos na nga ba ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto?    

Sa launch ng bagong line ng perfume ng Bench na Greta, nakiusap ang aktres na huwag nang pag-usapan ang tungkol kay Claudine. Ang gusto na lang niya ngayon ay makipag-peace sa lahat kaya irespeto na lang ang pakiusap ni Claudine na bigyan na siya ng katahimikan.

Alam naman natin na may pinagdaanan pa ngayon si Claudine kaya mabuting manahimik na siya at huwag nang magsalita para hindi na lumaki ang isyu.

TOTOO KAYANG may lifestyle check ngayon ang lahat na executive producers, production unit managers, at ilang executives ng isang malaking TV network?

May mga ilan nang napatalsik at ang ilan naman ay patuloy pa ring iniimbestigahan sa kaduda-dudang kinikita nila.

TSIKA LANG : Hindi naman nagtagal si Queenie Padilla sa hospital dahil naka-recover naman ito agad sa allergy na umatake sa kanya.

Itinatanggi ng young actress na epekto ’yun ng diet pills na tini-take niya. Talagang sa sobrang stress lang kaya nagkaroon siya ng allergy kaya isinugod ito sa ospital nung nakaraang Miyerkules ng gabi.

Okay na siya ngayon at nakausap na rin niya ang kanyang mommy na si Leizel Sicangco.

Kahit si Leizel ay nag-text na rin sa amin na hindi na siya nag-aalala at hindi totoong nagti-take ng diet pills ang anak niya dahil hindi ito puwedeng uminom ng mga ganung gamot.

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

ITINATANGGI

KRIS AQUINO

LEIZEL SICANGCO

MR. BEN CHAN

QUEENIE PADILLA

SHALANI SOLEDAD

WILLING WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with