^

PSN Showbiz

Rayver makikipagsabayan na sa hubaran

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Mula sa pagiging mga child stars ay nasubaybayan na natin ang magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz. Binatang-binata na ang dalawa ngayon kaya nakikipag-sabayan na rin sila sa pagpapa-sexy sa iba pang hunk actors. “P.H.R. ‘yun eh, naghubad nga nang hindi oras eh. Unti-unti kong susubukan, hindi naman ako uurong doon. I think it’s about time, ang hirap lang talagang makipagsabayan kina Zanjoe (Marudo) at Rafael (Rosell). Bata pa lang ako ay ang gaganda na ng katawan nila, sabi ko nga ay kung puwedeng dayain muna ‘yung mga shot,” nakangiting pahayag ni Rayver.

Noong Lunes ay nagsimula na rin ang Juanita Banana na pinagbibidahan ni Bianca Manalo, kung saan ay kasama naman ang kuya ni Rayver na si Rodjun, at this time ay magpapa-sexy na rin. “May mga scenes po ako rito na naka-topless. Nakakahiya naman po kung magtanggal ako ng T-shirt tapos ay payatot po ako kaya nagpaganda rin ako ng katawan. Gym talaga siyempre, iba pa rin talaga yung tindig,” sagot naman ni Rodjun.

Kim at Gerald Kabado sa Till My Heartaches End

Ngayong araw ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Till My Heartaches End mula sa Star Cinema. Kagabi sa premiere night ay grabe ang naging pagtanggap ng fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa kanilang pelikula lalung-lalo na ang Kimerald. Ayon kay Kim ay kakaiba raw kasi talaga ang kanilang pelikula ni Gerald. “Habang binabasa ko ‘yung kuwento ng character ko ay ang dami kong natutunan, and as Kim sa totoong buhay ay puwede ko siyang i-apply sa sarili ko. Ang dami ko ring na-realize na sa larangan ng pagmamahal ay marami kang puwedeng pagdaanan. Kaya dapat ninyo itong panoorin, I’m sure paglabas n’yo ng sinehan ay alam ninyo na kung ano ang dapat gawin,” nakangiting pahayag ni Kim.

Kinabahan din sina Kim at Gerald sa magiging outcome ng kanilang pelikula. “Sa mga ganitong kalaking project ‘yung kaba ay nandoon, pero ‘yung sobra kaming nagtiwala sa direktor at sa Star Cinema, we believe we can fly,” sagot naman ni Gerald. 

Muling nanumbalik ang magandang samahan nina Kim at Gerald sa gitna ng kanilang mga pinagdaanan.

Nasaksihan nating lahat ang sweetness ng da­lawa sa isa’t isa noong nag-guest sila sa The Buzz last Sunday. Nagkukulitan, nagtatawanan, nagtititigan at nagsesenyasan, patunay lamang na maayos na muli ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Reports from James C. Cantos

vuukle comment

BIANCA MANALO

GERALD ANDERSON

GERALD KABADO

JAMES C

JUANITA BANANA

KIM

KIM CHIU

RAYVER

STAR CINEMA

TILL MY HEARTACHES END

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with