^

PSN Showbiz

James at Hayden nagyakapan, gustong sabihing inosente

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi na talaga maabot si Atty. Lorna Kapunan at ang mga partner niya sa kanyang law office.

Lumipat si Mama Lorna sa kanyang bagong opisina sa The Fort na ipina-bless niya noong Martes.

Mga kilalang pulitiko ang dumating sa blessing, pati na sina Hayden Kho, Jr. at James Yap na dalawa sa mga controversial client ni Mama Lorna.

Parang sinadya na parehong puti ang mga outfit nina James at Hayden. Parang gusto nilang sabihin na inosente sila sa mga akusasyon sa kanila.

Si Hayden ang unang yumakap kay James nang magpang-abot sila sa bagong office ni Mama Kapunan.

Napanood ko ang video ng kanilang pagkikita at hindi naka-escape sa aking matalas na paningin ang relaxed na relaxed na aura ni James. Medyo nadagdagan din yata ang kanyang timbang. Parang hiyang si James sa solong pamumuhay. What do you think Mama Salve?

Captain BarbelL at Maharlika sinIsimulan na!

Dalawang big project ng GMA 7 ang magkasabay na mag-uumpisa sa susunod na buwan, ang Captain Barbell ni Richard Gutierrez at ang Maharlika, ang epicserye ni Marian Rivera.

Binubuo na ng GMA 7 ang cast ng Captain Barbell at Maharlika na parehong mapapanood sa early part ng 2011.

Billboard ng Beauty Queen takaw-pansin

Takaw-pansin ang giant billboard ng Beauty Queen sa kanto ng Edsa at Timog Avenue. Mahirap ma-ignore ang billboard dahil seksing-seksi sina Iza Calzado, Maggie Wilson, at Katrina Halili.

Lalo akong nangarap na magkaroon ng ganoong kalaking billboard ang Startalk. Ipagdiriwang namin ang 15th anniversary ng aming show at ang ilagay ang giant billboard nito sa kinalalagyan ng billboard ng Beauty Queen ang ultimate dream ko.

Palaging nakapuwesto sa gilid ng GMA Network Center ang billboard ng Startalk at hindi naman kalabisan kung mag-iilusyon ako na ilagay ‘yon sa mas prominent na lugar.

True ang isinulat ni Ricky Lo na sasayaw ako sa harap ng GMA 7 kapag natupad ang wish ko na makita ang billboard ng Startalk sa mismong building ng Kapuso network!

Bembol Roco, baklang-bakla

Baklita ang role ni Bembol Roco sa Beauty Queen. Hindi ko nakilala si Bembol sa teaser ng Beauty Queen na paulit-ulit na ipinakikita dahil mujer na mujer siya.

Nalaman ko lang na si Bembol pala ang baklush nang mabasa ko ang press kit ng bagong TV series ng

­GMA 7 na magsisimula sa darating na Lunes.

Isa si Bembol sa mga mahuhusay na beteranong aktor sa ating bansa. Knowing him, maning-mani ang pagganap niya bilang gay. Tatay si Bembol nina Dominic at Felix, ang kambal na nagmana rin sa kanya ng galing sa pag-arte. Mali ang akala na anak din ni Bembol si Rocco Nacino.

Panganganak ni juday inabangan sa show ni Ryan

Sobrang taas ng rating ng Talentadong Pinoy noong nakaraang Sabado. Nakatulong sa rating ng talent show ni Ryan Agoncillo ang mga balita tungkol sa panganganak ng kanyang misis na si Judy Ann Santos.

Inabangan siguro ng fans nina Juday at Ryan ang mga kuwento nito sa Ta­lentadong Pinoy tungkol sa kanilang anak na si Baby Lucho. Nalimutan yata ng fans na pre-taped at hindi live ang Talentadong Pinoy, isa sa mga pinakamatatag at sinusubaybayan na show ng TV5.

vuukle comment

BEAUTY QUEEN

BEMBOL

BEMBOL ROCO

BILLBOARD

CAPTAIN BARBELL

MAHARLIKA

MAMA LORNA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with