^

PSN Showbiz

Ugaling Rosanna Roces na lumaki ang ulo, aktres aminadong kupal, maldita!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nakakainggit naman si Lovi Poe.

Pagkaliit-liit ng waist. Samantalang kumakain naman daw siya ng rice, meat, salty food, matatamis at lahat ng pagkain nang hindi nagda-diet. Tapos wala pa siyang exercise. As in wala siyang time mag-gym kaya hindi naman siya pinapawisan ng todo para matunaw ang mga kinain niya. “Mabilis lang talaga po ang metabolism ko,” kumpisal ni Lovi sa isang tsikahan kahapon.

Flat na flat ang kanyang tummy para sa billboard ng Bench Body.

Ay, teka bukas pa pala officially ilo-launch si Lovi as Bench endorser. Tomorrow pa rin lang lalabas ang mga products na mga undies ni Lovi sa Bench.

“Super excited ako,” sabi niya sabay tingin sa tarpaulin ng mga billboards niyang ilalagay sa maraming lugar sa EDSA.

Siguradong hindi ito makakalampas sa mga motorista lalo na nga’t super OA ang traffic sa EDSA.

At least ma-stock man sila sa traffic, may pagpipiyestahan ang kanilang mga mata lalo na ang mga kalalakihan.

Pero hindi worried si Lovi na masyado nang nagiging super sexy ang image niya kahit ayaw niyang magsalita tungkol sa pagbisita niya kamakailan lang sa nakulong na kongresista sa Hong Kong, si Rep. Ronald Singsong.

Anyway, bukod sa Bench Body endorsement niya, tuloy ang iba pa niyang mga project - on going pa rin ang month long Love Bug special nila ni Mark Anthony Fernandez.

After ni Mark, ang episode naman nila ni Rocco Nacino ang mapapanood sa Love Bug. FYI : si Lovi ang date ni Rocco sa gaganaping Cosmo Bachelor Bash kung saan rarampa ang aktor.

Pasok din siya sa pelikulang White House ng Regal Films kung saan kasama niya sa pelikula sina Iza Calzado, Mo Twister, Joem Bascon, Sarah Lahbati and Gabby Concepcion. Naka-schedule itong ipalabas sa October 13.

Gagawin niya rin ang remake ng Temptation Island at ang third album niya ay sa Universal Records na.

Ay nasa Party Pilipinas at Show Me Da Manny din nga pala si Lovi.

* * *

Sus wala naman palang bahid ng katotohanan ang ipinakakalat ng isang kampo na namataan ang lasing na lasing na si Executive Secretary Jojo Ochoa sa lobby ng isang pang-mayamang hotel sa Makati na kasama si Vina Morales.

Unang-una, taliwas sa panggagatong ng mga intrigero’t intrigera, hindi raw lasing noong mga oras na iyon ang Little President dahil sangkaterba ang kanyang opisyal na pulong at trabaho noong araw na iyon.

Patungkol naman sa nasabing popular singer-actress, nakasalubong lang naman pala ni Ochoa si Vina at dalawa nitong kaibigan, at hindi siya nakipag-date kasama sila, na taliwas din sa paglalagay ng malisya ng isang political magazine na nagpaputok ng intriga.

In fairness, tahimik at hindi raw papansin ang dating Little Mayor ng Quezon City ng ngayon ay House Speaker na si Sonny Belmonte. Sinasabi rin na bagama’t kakaiba ang estilo ni Ochoa sa pamamahala ay epektibo naman ito. Ginagawa niya ang kanyang tungkulin pero hindi siya umaasa na sisikat o mapapansin.

In short, ayaw niya ng limelight!

Ang pakiwari ay may gumagalaw para sadyang wasakin ang Executive Secretary. Kung totoo, bakit?!

Ang sabi-sabi, mas paborito kasi ng Little President ang dilaw kaysa asul.

Ganun na ‘yun.

Kaloka.

* * *

Na-schock naman ako sa mga kuwento tungkol sa sobrang kamalditahan ng isang aktres na dyowa ng aktor.

“Parang nakikita ko sa kanya si Rosanna Roces na lumaki ang ulo,” kuwento ng isang kaharap namin na si T tungkol sa kamalditahan ng aktres na parang ang bait-bait naman ng hitsura ng mukha.

Nag-dialogue pa raw ito minsan ng “magpapa-tattoo ako ng kupal dahil totoong kupal ako at maldita dahil totoong maldita ako,” kuwento pa ni T tungkol sa kakupalan ng aktres sa set ng kanilang serye nang minsan daw mapag-usapan ang tungkol sa pagpapa-tattoo.

At isang dangkal na lang daw, mukha nang saksaktan physically ng aktres ang ang co-star niya na pinag-iinitan sa taping.

At ang nakakaloka raw, ka-join sa grupo ng aktres ang dalawa pa niyang kasama sa programa. As in binu-bully daw ang nasabing kasama nila sa programa.

Buti na lang daw at hindi pumapatol ang pinagkakaisahan nilang kasamahang artista. Three versus one daw talaga ang labanan sa taping ng isang programa.

Kuwento pa ni T, nakikita ng karelasyong aktor ang ginagawa ng kanyang GF na aktres pero wala raw magawa ang aktor.

Dyosko ano ‘to. Totoo ba ‘to.

Nakakaloka naman.

vuukle comment

BENCH BODY

EXECUTIVE SECRETARY

ISANG

LITTLE PRESIDENT

LOVI

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with