^

PSN Showbiz

Elmo nawalan ng interes kay RhiaN

- Veronica R. Samio -

Kahit sabihin pang hindi ganun kaseryoso ang naging relasyon nina Joshua Dionisio at ang naging girlfriend niyang si Elisa Pineda, kapwa niya Ka­pa­milya noon, when he was 13 at sigurado mas bata ito sa kanya, tumagal din ng buwan ang kanilang relasyon.

Naputol lamang ito nang mag-decide si Elisa na mag-quit ng showbiz at i-pursue ang kanyang studies.

Hindi lamang sa press ikinuwento ni Jo­shua ang naging batang relasyon nila kundi ma­ging sa kanyang ka-love­team na si Barbie For­teza. Sabi nga sa kanya ng press, pu­wedeng i-revive ng GMA 7 ang career ni Eli­sa pa­ra maka-triangle nila ni Barbie.

Katulad ni Barbie, ma­husay din itong umar­te at napakaganda rin. Ewan lang kung papayag itong iwang muli ang kanyang pag-aaral.

Bagaman at marami ang naiiklian sa tinakbo ng Pilyang Kerubin na magtatapos na sa linggong ito, pang dalawang buwan o eight weeks lang ang script nito pero umabot ng 13 weeks. Wala pang kasunod na project sila o kung mayroon man ay hindi pa sa kanila ipinaaalam kaya nalulungkot ang mga bagets na sina Joshua, Barbie, at maging si Elmo Magalona sa napipintong pahihiwalay nila pero may naririnig-rinig silang pelikula na baka gawin nila. Ang hindi sila sigurado ay kung mag­ka­kasama-sama pa silang tatlo. Balita kasi nila ay ipapareha na sa iba si Elmo kaya baka hindi na ito maging part ng triangle.

May CD silang inilabas ang GMA Records na nagtatampok ng mga awitin sa First Time.

*    *    *

Wala namang party si Barbie Forteza when she turned 13 nung July 31. Wala kasi siyang hilig sa party kaya nag-MOA na lamang sila. Binigyan siya ng isang Kipling bag ni Joshua na gustung-gusto niyang gamitin dahil favorite color niya ito.

Nalulungkot din si Barbie na matatapos na ang Pilyang Keru­bin. Pinaka-memorable na pangyayari na naranasan niya sa serye ay nung makasama niya si Maricel Soriano. Na-star­struck siya pero ganun din naman sina Iza Calzado at TJ Trinidad.

Nag-last taping na sila ng PK. Sinabi niyang kailangang maiwan siya sa lupa dahil may mga misyon pa siya pero si Angelica nakabalik na sa langit. 

Pagkatapos niya ng high school, gusto niyang kumuha ng HRM at culinary arts, gusto niyang mag-manage ng sarili niyang restaurant someday.

Hindi pa siya sigurado pero baka makasama siya sa Agimat ni Enteng para sa MMFF.

May pet names sila ni Joshua sa isa’t isa, Tokwa at Barang.

*    *    *

Napag-uusapan na rin si Barbie, nagtataka ito kung bakit iniintriga sila ni German Moreno, sinasabing iniisnab niya ito.

 “Wala namang dahilan para dito. Everytime I see him, nilalapitan ko siya, binabati nagbebeso-beso. Wala akong maisip na time na nakita ko siya at hindi ko ito ginawa. Marunong naman akong gumalang, si Kuya Germs pa!” sabi niya.  

*    *    *

Inamin ni Elmo Magalona na crush niya si Rhian Ramos.

 “Ang dami-dami niyang talents at ang ganda-ganda pa ng face,” papuri niya sa kasamahang aktres sa Kaya ng Powers.

When asked kung papayag ba siyang magka-girlfriend ng mas matanda sa kanya, Rhian is four years older than him - 16 years siya, sinabi niyang : “Wala sa edad ‘yan pero wala pa sa isip ko ang paggi-girlfriend, never pa akong nagka-girlfriend. Di pa nakatatak sa isip ko ‘yan, mas focused ako sa school kaya nga nalulungkot ako because I have to stop because of work,” pagtatapat ng kabataang aktor na minsan nang na-accelerate sa pinapasukan niyang school kaya maagang nakatapos ng high school.

vuukle comment

BARBIE

BARBIE FOR

ELMO MAGALONA

NIYA

NIYANG

SHY

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with