^

PSN Showbiz

Wilma naging reklamador kaya tsinugi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Gandang-ganda si Iza Calzado sa story nina Sandra (ginagampanan niya) at Abet (TJ Trinidad) sa Pilyang Kerubin. Love story ito na may masakit na pinagdaanan bago ang ending na hindi nito binanggit para walang spoiler.

Natutuwa si Iza na busy na uli siya dahil bukod sa Sweet Life ng Q Channel 11, may afternoon soap siya sa September. Tinapos din niya ang White House sa Regal Films at kasama rin siya sa Super Inday and the Golden Bibe.

Pero sa latest interview namin kay Iza, hindi pa siya sure kung matutuloy sa Super Inday dahil sa dumating na TV projects. Present siya sa storycon ng movie at alam na main contravida ang gagampanan.

Samantala, nagbi-beg off si Iza ‘pag tungkol sa sakit ng amang si Lito Calzado ang itinatanong. Ini-encourage raw niya itong patuloy na magtrabaho hangga’t kaya para hindi mag-isip at hindi manghina.

 “Ang sabi ko lang, ‘wag siyang magpapagod at magpupuyat ng husto at dapat up to 12:00 midnight lang siya. Sinabihan ko rin siya na baguhin ang lifestyle, tigilan ang paninigarilyo at sana, makinig siya. Pero kaya pa niyang magtrabaho at nagsayaw pa nga sa Party Pilipinas, he’s okay naman,” wika ni Iza.

Kundi nabago ang schedule, this Thursday na papasok si Iza bilang bagong co-host ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa Sweet Life ng Q Channel 11. Pinalitan ni Iza si Wilma Doesnt na marami raw isyu, kaya inalis sa show.

Bukod sa isyu, mahilig pa raw ikumpara ni Wilma ang equipment ng GMA-7 at TV5 at nakarating ito sa management ng GMA Network. Inereklamo raw ni Wilma ang aircon sa studio ng Sweet Life at naghanap ng teleprompter dahil may ganun daw sa TV5.

* * *

Hindi aware ang isang big name sa movie industry na hindi pa inaamin ng isang showbiz couple na sila’y live-in. Sa isang presscon, nabanggit ni Mr. Big Name na nag-meeting sila ng actor sa bahay nito para sa gagawin nilang project. Tsinika pa nito na ipinagluto siya ng showbiz couple ng isang masarap na hapunan.

Binanggit ni Mr. Big Name kung nasaan ang bahay ng actor na ka-meeting niya at nagulat ang press dahil ang bahay na ‘yun ay bahay ng actress na dyowa ng actor. Nakumpirma tuloy ang matagal nang hinala ng press na live-in ang dalawa at sa bahay ng actress na umuuwi ang actor dahil sa tsika ni Mr. Big Name.

Pasalamat siguro ang actor na walang nag-follow-up ng tanong tungkol sa aksidenteng pambubuking ng kanyang kaibigan sa set-up nila ng GF. Sabagay, hindi na bata ang actor at dyowang actress, malalaki na sila at alam ang consequences ng arrangement nila.

vuukle comment

IZA

IZA CALZADO

LITO CALZADO

LUCY TORRES-GOMEZ

MR. BIG NAME

PARTY PILIPINAS

Q CHANNEL

SIYA

SWEET LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with