^

PSN Showbiz

Pacman sky is the limit ang halaga ng bag na ibibigay kay Marian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Naabutan naming magkatabi at may tinitingnan sa laptop sina Heart Evangelista at Daniel Mat­su­naga sa breaktime ng taping ng Langit Sa Pi­ling Mo. Hindi nila alam na tinitingnan sila ng press and in fairness, the two looks good together.

Sabi ni Heart, two months na silang break ni Ian Dy nang amining cool off sila, pero walang kina­laman si Daniel sa break-up nila. “We grew apart” ang inirason nito. Sa tsikang sila na ni Daniel, friends lang daw sila at wala siyang napi-feel na may romantic interest ito sa kanya.

Natawa si Daniel sa tsismis sa kanila ni Heart, they go out as friends, pero hindi pa sila lumabas na silang dalawa lang at iti­nangging siya ang cause ng break-up nina Heart at Ian. Hindi ito aware na nali-link silang dalawa.

Wish ni Daniel na kahit tapos na ang Langit Sa Piling Mo ay mananatili silang friends ni Heart.

* * *

Narinig ng isang columnist na pina­gagalitan ng mother ng kanyang BF si pretty young actress dahil gumigimik at madaling-araw kung umuwi. Sabi raw ng mother ng BF ni YA, ‘wag siyang maging pasa­way dahil siya (si mother) ang maka­ka­laban nito.

May mga sinabi pa ang mother ng BF ni YA sa dalaga na hindi na namin isinulat dahil mahuhulaan na ninyo ang blind item namin. Makikinig naman siguro si YA kung ayaw niyang magalit sa kanya ang future mom-in-law niya.

On the other hand, hindi kilalang gimikera si YA at madalang itong lumabas, nalulungkot lang siguro ito dahil wala rito ang BF, kaya gumimik.

Nagulat siguro si YA na pati ang paglabas niya ay nakarating sa matinik na ina ng BF.

* * *

Bag na kahit magkano at kahit anong brand ang birthday gift ni Manny Pacquiao kay Marian Rivera. Wala pa sa actress ang bag dahil haha­ya­an siya ni Manny na mamili kung anong gusto at si Manny na ang magbabayad.

Tamang-tama dahil sa August 21-22, nasa Singapore sina Manny at Marian, kasama ang buong cast ng Show Me Da Manny para mag-taping. An­niversary presentation daw ito ng sitcom at bo­nus na rin sa cast dahil na-maintain ang mataas na ratings. Sa Singapore magsa-shopping si Ma­rian ng bag na gift sa kanya ni Manny.

Masaya si Marian na pupunta sa Singapore dahil kasama si Dingdong Dantes na guest sa epi­sode ng Show Me Da Manny. Sabi ni Marian, sisi­ngit silang mamasyal ni Dingdong at type pun­tahan ang Universal Studios doon.

* * *

Talaga palang maganda si Gwen Zamora, one of GMA 7 new contract artists together with Andi Man­zano and Ellen Adarna. Siya ang bagong Belo endorser at siya rin ang bagong Faye at ma­ka­ka­pareha ni Vic Sotto sa Enteng Agimat. Ka­ila­ngan nang palitan si Kristine Hermosa dahil ma­giging manugang na ito ni Vic at si Gwen ang nakapasa sa audition at napili.

Ibinalita na rin ni Gwen na kasama siya sa bagong soap ng GMA 7, ang Grizelda at mas sasaya raw siya ‘pag nasa cast si Aljur Abrenica na crush niya. Kinilig si Gwen nang makita ang actor dahil guwapo at Pinoy na Pinoy ang dating.

Si Andi ang pinsan ni Edu Manzano, pero si Ellen ang co-host ni Edu sa Asar Talo na Septem­ber na ang airing. Tinanggap nito ang title na Paris Hilton of Cebu at kilala raw niya ang Paris Hilton of Manila na si Princes Violago.

I-introduce sina Gwen at Ellen sa Party Pili­pinas sa August 22 at papasok din sila sa Bubble Gang. Mauunang lalabas si Andi sa show dahil this Sunday na siya ipakikilala.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANDI MAN

ASAR TALO

BUBBLE GANG

DAHIL

GWEN

SABI

SHOW ME DA MANNY

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with