^

PSN Showbiz

Pia hindi lalayasan ang SC

- Ni SVA -

MANILA, Philippines- Natawa ang manager ni Pia Guanio na si Tita June Torrejon nang may magtanong sa kanya kung totoong magri-resign na ang kanyang alaga sa Showbiz Central at papalitan na raw ba ito ni Claudine Barretto.

So para ma-check din ng kanyang manager, tinawagan niya ang isang staff ng SC. Of course, hindi totoo ang sagot ng staff ng Sunday talk show ng GMA 7.

Ang say ng staff, malamang nag-one plus one lang ang nagsulat sa isang online showbiz website tungkol sa ibinalitang pagri-resign ni Pia at inaakalang papalitan ni Claudine na totoong papasok sa programa for four weeks para sa promo ng In Your Eyes.

* * *

Magkakaroon ng misa at dinner para sa birthday ng namayapang si tito Douglas Quijano sa July 24, 6:00 p.m., Century Imperial Palace.

Sponsored ito ni Mother Lily Monteverde at ng Professional Artists Managers Incorporated (PAMI).

Teka, napagsama-sama na kaya ang abo ng labi ni Tito Dougs?

Pinaghati-hatian ng kanyang mga dating alaga - Richard Gomez, Gelli de Belen at ilan pa, ang ashes ni tito D kaya noong nakaraang All Soul’s Day, balitang nagrereklamo si Jomari Yllana dahil hindi raw nila madalaw dahil nga nagkanya-kanya ng uwi ng abo ang kanyang dating inaalagaan.

May nag-advice na pagsama-samahin ang mga abo.

Baka sa gaganaping misa sa Sabado ay mapagsama-sama na. Kasi kailangan nga raw itong ilagay sa isang lugar - na sama-sama ang abo.

vuukle comment

ALL SOUL

CENTURY IMPERIAL PALACE

CLAUDINE BARRETTO

DOUGLAS QUIJANO

IN YOUR EYES

JOMARI YLLANA

JUNE TORREJON

LILY MONTEVERDE

PIA GUANIO

PROFESSIONAL ARTISTS MANAGERS INCORPORATED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with