^

PSN Showbiz

White Collar nasa SOLARtv

-

MANILA, Philippines - Ang SOLARtv ay nakapagdala sa mga TV fans ng mga action-comedy-drama hit shows tulad ng Psych, Burn Notice at Human Target. Ngayon, isa na namang complex at brilliant new series, White Collar ang hatid ng SOLARtv.

Matapos maging laya mula sa kulungan, ang gusto lamang gawin ng isang former con man ay ma­kipagbalikan sa kanyang matagal na naiwang girl­friend. Sa halip na isang sweet reunion, siya ay sapilitang kinuha ng FBI upang tulungan ang ahen­siya na hulihin ang mga kapwa con artists.

Si Matt Bomer (Bryce Larkina sa Chuck) ang ating bida bilang isang art-history buff/forgery expert, si Neal Caffrey. Matinik siyang nag-break­out mula sa preso upang muli lamang madakip ng kanyang ‘‘benevolent adversary’’ na si FBI Agent Peter Burke (Tim DeKay). Si Caffrey ay ma­­­­na­natiling laya la­mang kung tutulungan niya ang FBI na tuntunin at hu­li­hin ang tinaguriang ‘white-collar masterminds’’ tulad niya. 

Isang kathang-isip ni Jeff Eastin, ang White Col­lar ay isang ‘‘well thought out and sophisticated crime-action series” na nagtatampok sa isang un­likely part­nership ng isang career criminal at ng isang FBI agent.

Ang seryeng ito ay jam-packed ng isang smart cast who makes things happen at kahit sa pagtutok sa isang predictable forgery crime (one that shoots off into interesting side alleys), ay always one step ahead’ sa inaakala ng mga viewers.

Kahit na ang mga characters ng White Collar ay mayroong very unique and distinctive per­so­nalities’ ang mga manonood ay siguradong maka­ka­giliwan silang lahat. Si Matt Bomer ay talagang very ideal and flawless para sa lead character na si Neil Caffrey na sadyang napaka-charming, sa­ba­yan pa ng kan­yang pitch perfect acting. Idag­dag pa sina Tiffani Thiessen bilang asawa ng kanyang shady pal na si Burke at si Willie Garson ng Sex and The City. 

Ang White Collar ay ang swak na swak na com­plemen sa sizzling summer array ng character-driven originals na patuloy na humahakot ng loyal au­diences sa SOLARtv. 

vuukle comment

AGENT PETER BURKE

ANG WHITE COLLAR

BRYCE LARKINA

BURN NOTICE

HUMAN TARGET

ISANG

JEFF EASTIN

MATT BOMER

SHY

WHITE COLLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with