^

PSN Showbiz

Britney Spears bawal nang lumabas ng bahay na walang panty at bra

-

MANILA, Philippines – Pinagbawalan na ang international singer na si Britney Spears sa paglabas ng bahay kung hindi siya magsusuot ng bra o panty.

Sinasabi sa ulat ng Metro na naimbiyerna na ang daddy ni Britney na si Jamie Spears sa naglalabasang mga litrato nito na tila burara sa pananamit at nakikita halos ang maseselang bahagi ng katawan ng pop singer.

Huling nakunan ng litrato si Britney na naglalakad na halos makita ang kanyang nipples dahil walang suot na bra.

Sa isa pang kumalat na litrato, nakabukas naman ang zipper ng pantalon ni Britney.

Sa ilalim ng batas, merong legal control si Jamie sa mga gawain at ibang aktibidad ni Britney.

Kaugnay nito, iginigiit ni Jamie na makakalabas lang ng bahay si Britney kung maayos ang katawan at pananamit nito.

Nagbabanta rin si Jamie na tatanggalin sa trabaho ang isang guwardiya na pinabayaang masilip ng iba at makunan ng litrato ang mga nipples ni Britney. (Translated by Mon Bernardo)                                              

vuukle comment

BRITNEY

BRITNEY SPEARS

HULING

JAMIE SPEARS

KAUGNAY

MON BERNARDO

NAGBABANTA

PINAGBAWALAN

SINASABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with