^

PSN Showbiz

Patok na romantic thriller sa Korea at America nasa 'Pinas na

-

MANILA, Philippines - Mula sa producers ng blockbuster films na The Ring, The Grudge and The Departed, isang ro­man­tic thriller ang dapat abangan : ang Possession. Ha­ngo sa Korean film na Jungdok (Addicted), kung saan pinalitan ang ilan sa mga detalye nito upang mas maging exciting at kapana-panabik para sa mga manonood.

Si Sarah Michelle Gellar (The Grudge 1, The Grud­ge 2, Buffy the Vampire Slayer) ay guma­ganap bilang si Jess, isang abogado na maligaya sa piling ng asawang si Ryan, na ginagampanan ni Mi­chael Landes (Love Soup mini-series). Isa lamang ang hindi kinasisiyahan ni Jess, at ito ang ka­pa­tid ni Ryan na si Roman (Lee Pace ng The Good Shep­herd, Showtime’s Soldier’s Girl). Kung ang kan­yang asa­wa’y mahinahon at mapagmahal, si Ro­man naman ang exact opposite nito. Sa katu­nayan, kala­labas pa lamang nito sa bilangguan at pansaman­talang naninirahan sa kanilang tahanan. Lalong gumuho ang mundo ni Jess nang maaksi­dente ang magkapatid at pareho itong na-coma. Ngunit nang magising si Roman, malaki ang ipinag­bago nito. Ang kanyang asal ay parehong-pareho nang kay Ryan. Pilit nitong pinaniniwala si Jess na siya nga mismo ang kanyang asawa. Ngayon, nalilito at naguguluhan si Jess kung talaga nga kayang lumipat ang kaluluwa ng kanyang asawa sa katawan ni Roman o ito’y baha­gi na naman ng isang malupit na laro nito.

Pinagsumikapan ng mga artista na kilalanin ang isa’t isa upang maging makatotohanan ang kanilang mga eksena. Masayang ibinahagi ni Landes : “We wanted to put in as much detail as we could. There’s a playfulness and an easiness to Ryan which Roman doesn’t have that Lee tried to tap into. It was fun – but he shot a lot of his Ryan scenes before I shot mine. I watched him do his sculpting scene, so I had to do a version of what he did. We didn’t want to make it obvious, but as brothers we’d have similar man­nerisms.”

Huwag palalampasin ang Possession sa pagbu­bu­kas nito sa inyong mga paboritong sinehan simula April 3. Ito’y mula sa Viva International Pictures.

vuukle comment

BUFFY THE VAMPIRE SLAYER

GOOD SHEP

GRUDGE AND THE DEPARTED

LEE PACE

LOVE SOUP

RYAN

SHY

SI SARAH MICHELLE GELLAR

VIVA INTERNATIONAL PICTURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with