True or false: Juday buntis na!
Hindi pa talaga maka-move on ang ibang tao. Hindi pa nila matanggap na sina Sarah Lahbati at Steven Silva ang Ultimate Survivors ng Starstruck V.
May advice ako sa mga Bitter Ocampo o sa mga tao na punumpuno ng pait ang mga salita na lumalabas mula sa kanilang mga not-so-kissable mouth. Okey lang na magtaray kayo pero tiyakin n’yo lang na tama ang inyong mga sinasabi, gaya ng isang reader na panay ang pagtataray pero Stephen ang tawag kay Steven!
* * *
Pinaplano na nga nina John Estrada at Priscilla Meirelles ang kanilang kasal kaya ang tanong ng bayan, invited ba si Janice de Belen? Dadalo ba siya sa kasal ng kanyang ex-dyowa?
Makatotohanan ang sagot ni John, hindi dadalo si Janice, kesehodang imbitahan ito. Tama naman ang sagot ni John, hindi nga dumalo si Janice sa debut party ng kanilang anak, sa beach wedding pa kaya nila ni Priscilla?
Bakit kasi may mga tao na pilit idinadamay ang name ni Janice sa mga nangyayari kay John eh ayaw na nga niya na magkaroon ng kinalaman sa buhay ng kanyang dating mister?
* * *
Si Michelle Van Eimeren ang na-remember ko nang mapanood ko ang interbyu kay Priscilla.
Hindi nagkakalayo ang pagsasalita ng Tagalog sina Michelle at Priscilla. Kinabibiliban si Priscilla dahil matatas na ito sa pagsasalita ng ating wika.
Ganoon yata talaga ang mga babae na nagmamahal ng hindi nila kalahi. Gagawin nila ang lahat, alang-alang sa kanilang mga mahal, kahit gaano ito kahirap!
* * *
Ipinainterbyu na ng Artist Center sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza. Kailan naman kaya ipapainterbyu ni Kuya Germs si Jhake Vargas.
Sina Joshua, Barbie at Jhake ang mga bagets na bida sa First Time. Hindi lang ang loveteam nina Joshua at Barbie ang tinitilian ng mga estudyante sa mga school na pinupuntahan nila. Wagi rin si Jhake dahil sikat na sikat na rin dahil kay Baste, ang karakter niya sa First Time.
Si Kuya Germs ang manager ni Jhake kaya sa kanya naka-address ang tanong ko, kailan niya ipapainterbyu si Jhake sa press people?
* * *
Nakatanggap ako ng text message noong Sabado tungkol sa mga kapwa artista ni Francine Prieto na umaapela na tulungan siya sa pagpapagamot sa kanyang may-sakit na ina.
Hindi nabigo ang mga nagmamalasakit kay Francine dahil marami ang nagpahayag na tutulong sila.
Bukod sa financial help, trabaho ang kailangan ni Francine. Need niya ang isang regular show para meron siyang pinagkakakitaan.Si Francine ang inaasahan ng kanyang mga nakababatang kapatid.
* * *
Kumalat din kahapon ang text message na buntis na raw si Judy Ann Santos. Tahimik pa ang kampo ni Juday. Wala pa silang kumpirmasyon kung true or false ang balita.
Mag-iisang taon nang kasal sina Juday at Ryan Agoncillo. Nasa legal age na sila para magkaroon ng anak kaya ito na talaga ang tamang panahon. Matutuwa ako at ang fans ni Juday kung totoo ang balita na nagdadalang-tao na siya!
- Latest





















