^

PSN Showbiz

Final Answer, Marian walang planong layasan ang GMA 7

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagsalita na si Marian Rivera sa tsikang aalis siya sa GMA 7 at lilipat sa ABS-CBN ‘pag nag-expire ang kontrata niya sa Kapuso Network na hang­gang this year na lang. Sa last two days taping ng Darna, ginawa ng aktres ang paglilinaw sa isyu na ikinabahala ng kanyang fans.

“Hindi ako lilipat kasi masaya ako sa GMA. Hin­di naman ako pinababayaan at marami akong work. Sigurado at final na ‘di ako lilipat,” wika ni Ma­­rian.

Hindi na nagbanggit ng pangalan si Marian, pero may nagtanong daw kay Popoy Caritativo, her manager, tungkol sa kontrata niya sa Channel 7, pero walang actual na offer. Hindi na rin sinabi ni Marian kung taga-saang network ang nagta­nong kay Popoy dahil ayaw na niyang palakihin ang isyu.

Tama kung ganun si Dingdong Dantes sa “it’s not true” na sagot nang tanungin sa isyung pagli­pat daw ng GF sa ibang network.

Tsika pala ni Marian, ipinayos niya ang Darna replica na regalo ni Dingdong sa kanya dahil mala­ki ang mga mata. Reregaluhan din siya ng BF ng replica ng Marimar, Dyesebel, at Proserfina ka­rak­ter niya sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

Samantala, nalulungkot na si Marian sa pagta­tapos ng Darna at sa Sabado na nga ang last taping day nila. Mami-miss daw niyang magsuot ng costume at ang mga kasama na ilang buwan din niyang katrabaho.

May spoiler si Marian sa mangyayari sa Darna towards the ending. Lahat nang mga nakalaban niya ay magsasama-sama at magiging isang tao na lang at kung paano ito mang­yayari, bahala na ang writers at si direk Dom Zapata.

* * *

Hindi press release ang pagiging busy ni AiAi delas Alas this year dahil totoong marami siyang projects. Una rito’y ang pagiging judge niya sa Pili­pinas Got Talent kasama sina Kris Aquino at Mr. Freddie Garcia at ang pagsasama nila ni Aga Muhlach sa drama-comedy show ng ABS-CBN at sa February 8 na ang meeting nila.

May Valentine’s Day concert din si AiAi sa Feb. 14 sa Tent City ng Manila Hotel kasama sina Janno Gibbs, Rufa Mae Quinto, Mark Bautista, at Ms. Pilita Corrales. Produced ang concert ng DR Productions billed Ai Am Your Valentine. May major birthday concert din siya sa November 19, sa Araneta Coliseum at may gagawing movie sa Star Cinema.

Premature ang tuwa ni AiAi delas Alas sa naba­litang si Boy Abunda na ang bagong manager ni Angel Locsin dahil itinanggi ito ni Boy at from a source, ibang talent manager daw ang posibleng maging manager ng aktres. Natuwa pa naman si AiAi dahil dalawa na raw silang maganda sa Backroom at walang bakel niya itong sinabi ha!

* * *

Kabilang si Ogie Alcasid sa mga naba-blind item na aalis sa GMA 7 at lilipat daw sa TV5. Isa­sama pa raw nito sa paglipat si Lovi Poe at baka pati ang GF niyang si Regine Velasquez. Tata­pu­sin lang daw ni Ogie ang kontrata niya sa Channel 7 at magbababu na.

Curious kami kung paano sasagutin ni Ogie ang isyung ito. Aminin kaya niya o itanggi? Saan, ba makikita si Ogie? Paging Leo Dominguez (his manager), true ba ang tsikang ito?

Ano ‘yun, iiwan niya ang SOP at Bubble Gang at ang team-up nila ni Michael V.?

Sa isang phone-patch radio interview ni Ogie, ibinalitang inihahanda na ang follow-up movie nila ni Michael V na co-produce pa rin siguro ng APT Entertainment at GMA Films. Gagawin daw nila ang movie pagbalik nila ni Regine sa US/Canada tour nila sa May. Magri-release rin siya ng new album, anong petsa kaya lilipat si Ogie kung saka­li?

* * *

Ngayong Friday sa Full Time Moms, mga plano sa 2010 and beyond ng celebrity guests ng show ang aalamin nina Suzi Entrata-Abrera at Christine Jacob-Sandejas. Guests sina Sunshine Dizon, Mel Martinez, Rich Herrera, at Arci Muñoz. Sa Q Channel 11, 8:00 p.m., Monday to Friday.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AI AM YOUR VALENTINE

AKING TADYANG

ANG BABAING HINUGOT

DARNA

MICHAEL V

NILA

NIYA

OGIE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with