^

PSN Showbiz

Aktor sinisiraan ng aktres na tinanggihang pautangin

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nangungutang pala ng milyun-milyon ang isang aktres sa isang dating kaibigang aktor. Matindi raw ang pangangailangan ng aktres sa kasalukuyan dahil sa utang din. Pero hindi ito pinagbigyan ng unang nilapitang kaibigan. Kaya ang ending, sinisira-siraan daw ng aktres ngayon ang dating kaibigan.

Ang katuwiran naman ng dating kaibigang aktor, saan naman sila kukuha ng apat na milyon para ipautang.

OA naman pala kasi ang inuutang ng actress. Di biro ang apat na milyon.

* * *

Ang sosyal ni Mark Bautista, isang linggo siyang nagbakasyon sa El Nido, Palawan, kasama ang 18 non-showbiz na mga kaibigan. Pero ayaw niyang aminin kung may kasama siyang showbiz friends. “Wala talaga. Lahat sila, non-showbiz,” he insisted.

Ayaw talagang magpapilit ni Mark tungkol sa kanyang mga kasama sa nasabing bakasyon sa El Nido.

Pero umamin siyang malapit na siyang magka-girlfriend at malamang, may ka-Valentine na siya sa darating na February 14. Non-showbiz pa rin ang nasabing girl.

Actually may ilang nakakakitang kasama niya ang nasabing girl.

Kung happy sa lovelife, happy din si Mark sa lakas ng impact ng kanyang TV commercial para sa Mang Inasal. Mismong si Mark na ang nagkukuwento na dahil sa nasabing commercial, kaliwa’t kanan ang nanghihingi sa kanya ng gift certificate ng Mang Inasal. “Kahit mga kasamahan ko sa ASAP, nanghihingi na rin ng gc,” natatawang kuwento ni Mark.

Pero kahit malakas ang dating ng commercial niya, naghahanap sila (Mang Inasal) ng kanyang magiging female counterpart.

Isang sikat ang kailangan nila. Wala pang napipisil ang may-ari nito na si Mr. Edgar ‘Injap’ Sia II.

Dahil sa lakas ng Mang Inasal na aabot na pala sa halos 300 ang outlet simula nang mag-open sila for franchise, gusto na rin ni Mark magkaroon ng sariling outlet. “Mang Inasal is very hardworking. They give it their all. They are persistent and aggressive. They want to succeed in the industry. And that is also what I see in myself,” sabi ng singer.

Sa kanilang probinsiya sa Cagayan de Oro siya nagpa-planong itayo ito kung saka-sakali.

Anyway the other day ay nagbukas ng bagong branch ang Mang Inasal na nasa corner of Jupiter street and Makati Avenue. Maganda ang puwesto na pag-aari (franchisee) ni Mr. Vic del Rosario.

Present sa nasabing opening si Mark at ang anak ni Mr. Del Rosario na si Vincent at si Ms. Tess Cruz.

Maganda ang lugar dahil daanan at nasa itaas ng building ang maraming opisina ng mga call centers.

Sila Mr. Del Rosario din ang nakakuha ng franchise ng Mang Inasal sa Trinoma.

Ito ngayon ang pinakapatok na kainan sa kasalukuyan dahil unlimited ang offer na kanin.

* * *

Namatay na ang nanay ni Snooky Serna na si Mila Ocampo, kahapon ng tanghali. Matagal nang may sakit na Emphysema ang nanay ng aktres bago pa man ito binawian ng buhay. Ito ay isang sakit sa baga.

“Emphysema is a long-term, progressive disease of the lung that primarily causes shortness of breath. In people with emphysema, the lung tissues necessary to support the physical shape and function of the lung are destroyed. It is included in a group of diseases called chronic obstructive pulmonary disease or COPD (pulmonary refers to the lungs). Emphysema is called an obstructive lung disease because the destruction of lung tissue around smaller airways, called bronchioles, makes these airways unable to hold their functional shape upon exhalation,” ayon sa Wikipedia.

Kasalukuyang itong nakaburol sa Holy Trinity Memorial Chapels (Royal 1 chapel) sa Parañaque.

October pa lang ay masama na ang lagay ng nanay ng actress. “I beg for prayers for my mom, Mila Ocampo, who is confined at the Makati Medical Center Room 726. Her condition is bad,” sabi ni Snooky sa kanyang text message sa mga kaibigan noon.

* * *

Uy, maraming salamat sa nagpasaya sa year-end editorial party ng PSN/PM – special thanks to vice presidentiable Edu Manzano, Luis Manzano, Navotas Mayor Toby Tiangco, John Rey Tiangco, vice presidentiable Mar Roxas and Mrs. Korina Roxas and Sen. Chiz Escudero.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

EDU MANZANO

EL NIDO

HOLY TRINITY MEMORIAL CHAPELS

INASAL

MANG INASAL

MILA OCAMPO

MR. DEL ROSARIO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with