^

PSN Showbiz

Paolo Bediones magkakaroon na ng kapalit

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Sometime third quarter ang Survivor Philippines 3, at siyempre, it will no longer be hosted by Paolo Bediones whose contract with TV5 won’t expire until 2012.

This early, aminado ang staff ng Survivor Philippines na malaking kawalan si Paolo, having previously hosted the local Extra Challenge until a much bigger break came along. Hindi maimadyin ng staff kung sinong host na kasing husay ni Paolo ang papalit sa binakanteng slot.

Pero gaano katotoo na ang napipisil umano ng GMA management ay another Paolo? Contis or Ballesteros? Wala sa dalawang ito, kundi si Paolo Abrera na dyowa ni Suzie.

Hmmm, come to think of it… puwede!

* * *

Nakakatawa ang kantiyawan ng magkaibigang Sen. Bong Revilla, Jr. at Phillip Salvador nang tanungin ng Tweetbiz kung ano ang kanilang bad habits na ayaw nilang tanggalin ngayong 2010.

Ang senador ang nakasalang sa camera, pero umaalingawngaw ang boses ni Kuya Ipe: “Pambababae!”

Natawa na lang ang aktor-pulitiko. Hindi pa nagkasya si Kuya Ipe, inulit niya ang kanyang isinigaw.

Later on Startalk, hinulaan din si Bong ng corporate spiritual adviser na si Maricel Gaskel na “madadapa” ito sa Bagong Taon, referring to a woman na mauugnay sa kanya. Nakangiting naniningkit ang mga mata ni Bong.

Time and again, matalinhagang sinabi ng senador na muli naman siyang bumabangon sa kanyang bawat pagkakadapa.

vuukle comment

BAGONG TAON

BALLESTEROS

BONG REVILLA

EXTRA CHALLENGE

KUYA IPE

MARICEL GASKEL

PAOLO ABRERA

PAOLO BEDIONES

PHILLIP SALVADOR

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with