^

PSN Showbiz

Mark may 'nararamdaman' pa kay Claudine

- Veronica R. Samio -

Happy New Year!

Unang araw ng taon na dapat sana ay walang bulilyaso dahil ito ang maghuhudyat ng mga mangyayari sa kabuuan ng 2010. Pero unang araw pa lamang ay nanganib nang hindi ko maipadala ang column ko dahil may sira sa communications ng Smart, hindi makapag-open ng Internet, much less send an e-mail!

Buti na lang andyan pa rin yung old reliable personal padala system. I chose between send it through my son or fax it. Since wala naman akong fax machine, I decided on the first option. Yun nga lang, kailangan ko pang i-print ang column ko before I could fax it.

Kung ito ang buwena mano ng mga pangyayaring dapat kong asahan for the New Year, so be it! Wala naman akong choice.  

Anyways, nakapag-blowout na ang Ang Darling Kong Aswang, isang patunay ng pamamayani nito sa takilya bagaman at hindi pa naman tapos ang laban. Pero ang ipinagpapasalamat ng mga producer ay ang pangyayaring naging matagumpay ang ginaganap na MMFF ’09.

Hindi man sila nag-No.1 magiging masaya na sila sa kinahinatnan ng kanilang pelikula. Pawang magaganda ang anim pang entries, isang malaking bonus na sa kanila yung pakikipag-agawan sa unang pwesto sa Ang Panday ni Bong Revilla.

* * *

Isa sa pinakaaasam kong magkaroon ng kaga­napan sa unang bahagi ng 2010 ay ang pagpa­pareha nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fer­nandez.

Pero mukhang magkakahirapan pa dahil maging ang mga naunang meeting para sa paghahanda ng proyektong pagsasamahan nila ay hindi matuluy-tuloy dahil sa hindi pagsipot ni Mark. Dahil dito, maging si Claudine ay nairita na rin.

Bakit nga kaya bantulot si Mark sa pagsasama nila ng dating reyna ng soap sa kabilang istasyon?

May nararamdaman pa kaya siya sa dating karelasyon? 

* * *

Poor Angelica Panganiban! Bigla, minaliit ang kanyang kakayahan sa pag-arte gayong hindi naman siya ang nakikipaglaban kay Sharon Cuneta kundi ang mga pelikula nila na nagkataong magkapareho ng genre - drama.

Angelica gave her all in I Love You Goodbye. The least na maaasahan niya from the moviegoers ay ma-appreciate ang effort niya na makatulong na mapa­ganda ang pelikula, hindi yung lait-laitin siya in compa­rison to the Megastar na iginagalang niya at hinaha­ngaan at kung maaari ay masundan ang yapak bilang isang aktres, dahil lamang nagkasabay ang pagpapa­labas ng kanilang pelikula.

* * *

Hanggang ngayon, nakikiusap pa rin si Patrick Garcia kay Jennylyn Mercado para lamang makita niya ng personal ang anak nila na si Alex Jazz.

Mabuti na lamang at nakikita niya ang anak sa TV, may ideya siya kung ano ang itsura nito. Kung hindi, magiging total stranger sa kanya ang anak.

It seems malaki ang nagiging bahagi ng telebisyon sa buhay ni Patrick. Hindi lamang dito siya nagkaka-trabaho, dito rin lamang siya nagkakaroon ng link sa kanyang anak. Baka hanggang sa lumaki ito ay dito na lamang niya ito makikita. Matatandaan na ang break up nila ni Jennylyn ay sa TV din lang nangyari, dito niya nababalitaan. Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment

ALEX JAZZ

ANG DARLING KONG ASWANG

ANG PANDAY

BONG REVILLA

CLAUDINE BARRETTO

HAPPY NEW YEAR

I LOVE YOU GOODBYE

JENNYLYN MERCADO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with